^

PSN Opinyon

DFA budget huwag namang harangin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang ugnayang-panlabas ang gawain ng Department of Foreign Affairs. Umaasiste rin ito sa mga OFWs na may mga problema. Pero tila may humaharang sa pag­pasa sa budget nito sa paraang malamang makasira rin sa relasyon ng China at Pilipinas.

Inaakusahan ni Sen. Risa Hontiveros ang DFA sa budget hearing na wala raw aksyon sa “pambu-bully” ng China sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea.

Kung may malasakit siya sa mga OFW, dapat ay isulong pa niya na taasan ang pondo ng departamento para hindi kapusin ng pagtulong ang ahensya sa mga OFWs lalo na yung mga nangangailangan ng legal assistance.

Nasabi na ni Cayetano na hindi isinasapubliko ang mga hakbang ng pamahalaan sa usapin ng West Philip­­pine Sea. Para sa administrasyon, hindi “diplo­matic protest” ang dapat ipairal sa pagtatamo ng posi­tibong resulta sa ugnayan ng dalawang bansa. 

Ani Cayetano, sa loob ng anim na taon, hindi nagprotesta ang Pilipinas sa Malaysia at Vietnam sa kabila ng pag-okupa nila sa ibang bahagi ng ating EEZ. Ang kawalan ng protesta aniya ay hindi nangangahulugan na isinuko na ng Pilipinas ang “claim” sa mga teritor­yong ito. 

Maging si dating Pangulong Aquino ay hindi idine­­talye ang kanyang “intelligence playbook” dahil maka­ka­apekto raw ito sa relasyon ng Pilipinas at China. Ngu­nit gusto ni Sen. Hontiveros na ihayag ang detalye ng mga protesta at “diplomatic action” ng administrasyon laban sa China. 

Kung ayaw suportahan ng Senadora ang budget ng DFA, manahimik na lang sana siya. Imbes na mag-ingay, tumulong na lang sana siya sa paglutas sa problema na kakulangan ng mga consular offices para tuluyang matugunan ang pagdami ng taong kailangang kumuha ng passport.

Huwag nang gawing daan sa pamumulitika pati ang budget hearing.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with