^

PSN Opinyon

Lutuan sa license plate bidding, nangangamoy

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo ba na hanggang ngayon, wala pa rin ang mga car registration plates na nagkakahalaga ng P3.6 bilyon na kinontrata ng pamahalaang Aquino? Tagal na nito! Nang kumandidato sa pagka-pangulo si Pres. Duterte, naging anti-Noynoy issue pa nga niya ang “Republikang Walang Plaka.” Ang pangako niya: hindi na ito mauulit sa kanyang pamumuno.

Ngunit bakit nakikipagnegosasyon sina Transporta­tion Sec. Art Tugade at Land Transportation Office Chief Edgar Galvante sa mismong kompanya na nagdulot ng sakit ng ulo sa milyun-milyong motorista? Iyan ang kom­panyang dapat nagdeliver ng mga naturang plaka noong pang 2013 hanggang 2016, pero bokya! Tila nag­lalaro sa isip ng dalawang opisyal na ituloy ang ma­anomalyang­ kontrata ng Aquino government kahit may mga isyung legal na dapat bigyang hustisya. Aba’y nalabag sa lumang kontratang ito ang maraming probisyon ng procurement law!

Inanunsyo ni Tugade sa media na may kakayahan na ang DOTr at LTO na gumawa ng sariling plaka dahil may­roon ng makina para rito. Kung gayon, bakit maki­kipag-usap pa sa dating kompanya na gumawa ng kapalpakan­? Sa ilalim ng palpak na kasunduan ay gagawin ang plaka sa Netherlands pero sa India lang pala ginawa at semplang ang kalidad.

Kung tayo na mismo ang gagawa imbes na gawin sa ibang bansa, mas makabubuti dahil marami ang ma­bibigyan ng trabaho. Kung kailangang makipag-bidding, dapat ilahok lamang ang ibang mas kuwalipikadong ma­kapag-supply at huwag isali ang walang kakayahan.

Nakakaamoy tayo ng lutuan ah. Imbes na gumawa­ ng bagong bidding, mukhang may ginagawang “panghi­hilot­” sa dating contractors na ginamit sa ilalim ng admi­nistrasyong Aquino. Paalaala lang, Noong 2015, may atas ang COA sa LTO na huwag bayaran ang naturang supplier dahil sa mga paglabag sa procurement law. Nasilip ng COA na maanomalya ang pinasok na kontrata ng pamahalaan sa Knieriem BV Goes and Power Plates Development Concept Inc. (JKG-PPI) noong 2013. 

vuukle comment

LICENSE PLATE BIDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with