^

PSN Opinyon

Bumubuti o naglulubha?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGTATAKA. Sa kabila ng matinding pakiki­digma ng pamahalaan laban sa droga, tila hindi nalulutas ang problema at mukhang papalubha pa.

Hanggang ngayon, wala pang malinaw na direk­syon­ ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kung ano ang nangyari sa tinatayang P6.8 bilyong shabu na ayon sa Bureau of Customs ay nakasilid sa magnetic lifters na natagpuan sa isang bodega sa Ca­vite, ngunit wala nang laman.

Nakakatakot kung ang ganitong dami ng illegal na droga ay naikalat na sa iba’t ibang parte ng bansa.

Bakit palaging “too late the hero” ang ginagawang aksyon ng mga awtoridad? Mismong si Presidente Duterte pa ang nagsabing “espekulasyon” lang na may lamang shabu ang mga naturang sisidlan na katulad din ng mga magnetic lifters na pinaglagyan sa naunang­ bulto ng shabu na nasamsam sa Port of Manila kama­kailan. Kaya dahil sa sinabi ng Pangulo, posibleng nairita ang hepe ng PDEA na si Aaron Aquino kung kaya nagbakasyon. Iginigiit kasi ng PDEA na ang mga natu­rang sisidlan sa Cavite ay naglalaman ng malaking kantidad ng shabu, tapos pasisinungali­ngan mismo ng Presidente.

Tingin ko, kahit patuloy pa ang mga gagawing tokhang at buy-bust operations, tila wala nang pag-asang malutas ang problema sa droga, lalu pa’t mismong ang Pangulo ang nagsabing hindi niya ito kayang tapusin sa loob ng kanyang termino. Ang mangyayari, marami pang mga “manlalaban” na drug personalities na mapapatay sa ginagawang operasyon ng pulisya laban sa droga.

Sana, ang ugat ng problema ang sugpuin at hindi lang ang talbos ng problemang ito.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with