^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailangang i-drug tests ang mga pulis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kailangang i-drug  tests ang mga pulis

NOONG nakaraang linggo, gigil na gigil si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa isang PO1 na nahuli nilang nagtutulak at gumagamit ng shabu sa Taguig City. Mismong ang asawa ng PO1 ang nagsumbong kay Albayalde na tulak at addict ito. Agad nahuli ang pulis. Nang iharap kay Albayalde at NCRPO chief Guillermo Eleazar, halatang nagpipigil ang dalawang opisyal na masapak ang PO1. Lalo pang nag-init ang ulo ni Albayalde nang malaman na binubugbog ng pulis ang asawa kapag nakakabatak ng shabu. Buntis pa ang babae kaya awang-awa ang PNP chief.

Malaki ang problema ng PNP sa paglaganap ng shabu sa bansa. At lalo pang lumaki nang mabulgar na marami palang pulis ang lulong sa shabu. Hindi lang pala mga dayuhang drug traffickers ang kanilang kalaban kundi pati ang mga ‘‘kabaro’’ na nagsa-shabu at nagtutulak.

Kamakailan, isang babaing pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nahuling sumi­singhot ng shabu sa Taguig City. Naka-assigned ang policewoman sa SAF’s Force Support Battalion sa Camp Bagong Diwa. Nang iharap kay Albayalde ang policewoman, bangag pa ito sa shabu at ngamol sa pagsasalita. Agad sinibak ni Albayalde ang pulis.

Isang pulis din (PO1) ang nahuling bumabatak ng shabu sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Nahuli sa isang drug den ang pulis at dalawa pa habang bumabatak. Nagulat ang mga pulis na uma­resto nang malamang pulis pala ang nadakma nilang nagsa-shabu.

Nararapat na isailalim sa regular na drug tests ang mga pulis sa buong bansa. Kailangan ito para malaman ang mga pulis na lulong sa illegal drugs. Nakakahiya na marami palang addict na pulis ngayon!

Saan magtutungo ang mamamayan para magsumbong kung ang mga pulis ay sabog sa droga? Nararapat na mawalis sa serbisyo ang mga pulis na addict. Kailangang maging maingat ang PNP sa pagkuha o pag-recruit ng mga magpupulis at baka ang makuha ay lulong sa droga. Nakakatakot kung ang mga makakasalubong na pulis ay nasa ilalim ng drug influence.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with