^

PSN Opinyon

Ang tinapay ni Jojo Manila

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MASARAP ang mga tinapay d’yan sa Sacred Heart Breadhouse, sa may Scout Ybardolaza kanto ng Scout Fuentebella, Kamuning, na pag-aari ni Jojo Manila.

Napakaraming madlang people ang bumibili rito at dinarayo pa ng taga - ibang lugar ang bakery ni Jojo.

Madali itong hanapin dahil sa tapat lamang ng simbahan ang breadhouse na ito.

Bili na at tikman!

Asan si Tugade?

SIGURO hindi na matatapos ang linggong ito ay babalik na rin sa normal ang flight operations sa NAIA at ang madlang passengers na nakaranas ng delubyo sa airport ay malamang makaalis na ng Philippines my Philippines.

Sana naman!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, as of yesterday, marami na ring mga pasahero ang nakaka-alis ng NAIA pero marami pa rin naman ang hindi mai-book ng mga airline nila sa hindi malamang dahilan kaya naman marami pa rin ang nanggagalaiti sa galit partikular ang mga OFW’s, may trabaho abroad.

Ika nga, iyakan dito, iyakan doon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga pasahero ang nagpasalamat sa media people na walang sawang sumuporta at tumulong para ipakita sa buong mundo ang delubyong nangyayari sa kanila sa paliparan mula pa noong sumadsad ang eroplano ng Xiamen Airlines last Thursday night.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mula ng mapanood, marinig at mabasa ang mga inilalabas ng media people na mga pangyayari sa NAIA ay umaksyon at umaayos ang mga taga-gobierno at maging ang mga pakaang-kaang na airline companies ay nagkukumahog ngayon para tulungan ang mga pasahero nilang dumanas ng malaking problema.

Ika nga, nagpabaya kasi noong una?

‘Marami sa mga pasahero ang dumadaing ng gutom dahil walang perang pambili ng pagkain, natutulog sa sahig sa airport at kahit tubig na pang inom ay hindi makabili lalo’t iyong mga OFW’s na halos walang pera sa kanilang bulsa,’ sabi ng ilang kuwagong airport observers.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kasi agad kumilos ang mga airline companies para tulungan ang problema ng kanilang mga pasahero nagpa-bright, bright pa ang iba sa kanila.

‘Kaya naman malaki ang pasasalamat ng mga pasahero sa media dahil naihatid sa madlang people ang delubyong inabot nila sa NAIA at napanood ang mga nangyari sa kanila,’ sabi ng kuwagong inaapi.

Ikinatuwa ng mga pasahero ang walang humpay na tulong ni MIAA general manager Ed Monreal sa kanila para ihatid at atasan o pukpukin ang mga airlines na mag-coordinate sa kanilang mga pasahero at tulungan ang mga ito.

Libu-libong pasahero ang naapektuhan sa aberyang nangyari sa Xiamen airlines.

May mga nagbabalak na magkaso sa naapektuhan ng delubyo sa paliparan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang tahimik at hindi nagpapakita si DOTr Secretary Art Tugade sa madlang people para magbigay ng lakas ng loob sana sa mga pasaherong naapektuhan ng delubyo sa NAIA.

Bakit kaya?

Abangan.

vuukle comment

SACRED HEART BREADHOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with