^

PSN Opinyon

Biro na naman?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAGOD na raw. Ito ibinigay na dahilan ni Pres. Rodrigo Duterte kung bakit nais na umanong bumitiw sa puwesto. Pero may pahabol, hindi si Vice Pres. Leni Robredo ang nais na pumalit sa kanya kung sakali. Nagmungkahi siya ng dalawang tao na nais niyang pumalit sa kanya. Ito ang pinakabagong pagulat ni Duterte sa taumbayan. Hindi na bago ang mga ganyang klaseng pahayag mula sa Presidente.

Maraming hindi naniniwala na siya ay magbibitiw. Ang tingin nga ay isang gimik lang. O baka isa na namang biro mula sa kanya. O baka hyperbole ulit kung ang Palasyo ang magpapaliwanag. Pero sino nga ba ang legal na papalit sa kanya, kung sakali? Kung susundin ang Konstitusyon, si Vice President Robredo ang dapat pumalit sa kanya. Ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay hinahalal ng taumbayan, hindi itinatalaga ng isang tao lang. Dahil isa tayong demokrasya, iyan ang dapat masunod.

Pero nagbitiw din ng salita si Duterte na nais din na isang military junta ang mamahala, kung sakaling bumitiw. Diyan sigurado maraming aalma. Ang tawag din sa military junta ay military dictatorship. Alam natin na maraming ayaw sa salitang iyan, matapos ang higit 20 taong diktaturya sa ilalim ni Ferdinand Marcos. Sa isang military junta, may kumpletong kontrol ang militar sa pulitiko, at sila-sila lang ang mamimili kung sino ang mamumuno. Sa madaling salita, hindi ang taumbayan ang namili, o may gusto. Sila-sila na nga ang namili, armado pa silang lahat. Paano na ang sibilyan?

Sa kasaysayan, ang miitary junta ay nagaganap kapag ang tingin ng militar ay laganap na masyado ang korapsiyon at katiwalian sa gobyerno, kaya sila na ang mamamahala para “maligtas” ang bansa. Pero nakita rin natin sa kasaysayan na ilang mga military junta rin ang nalululong sa korapsiyon, katiwalian, at krimen dahil sa lubos na kapangyarihan. Maaaring naglalabas lang ng opinyon si Duterte, pero kung sakaling nais talagang bumitiw na, may mga batas tayong dapat sundin.

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with