^

PSN Opinyon

Politiko pumalag sa style ng MMDA sa EDSA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SABI NGA, sa halip na ipagbawal ang mga “singles” sa EDSA, dapat munang isinalang este mali isaalang-alang pala muna ng MMDA ang pag-synchronized nang daloy ng mga dambuhalang bus sa bumabagtas sa pinakamahalagang highway sa Metro Manila.

Higit ang dami ng mga pribadong sasakyan vs. buses pero dapat isa-isip muna ang disiplina ay dahil nga nananatili pa ring pinakamalaking sanhi ng Metro Manila “Carmageddon” at ang mga bus ang pinakamalaking culprits.

May mga mambabatas na kumontra sa ikinasang gimik este mali bawal pala during rush hour ang driver’s only sa kanyang sasakyan habang binabagtas ang EDSA.

May mga nagsasabing pro-poor ang itinutulak ng MMDA dahil hindi anila lahat ng mga may-ari ng mga sasakyan ang can afford na kumuha ng tsuper para lamang makadaan sa rush hour sa EDSA.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napakamahal ng gasolina ngayon at hindi ito mapipigilan tumaas nang halos linggo-linggo dahil sa paggalaw ng dollar sa foreign market tiyak sisipa ito sa madlang pinoy.

Ika nga, sana kung bababa ang gasolina pero kapag ibinaba ito ga-tinga pero kapag itinaas ito aba parang kuwitis sa ere matindi ang bulusok.

‘Paano na lamang ang madlang pinoy sa nangyayari ngayon?’ tanong ng kuwagong pa bright, bright.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinatayang P3 billion ang nawawala sa ekonomiya ng Philippines my Philppines dahil lamang sa sobrang traffic sa Metro-Manila.

Sabi nga, usad pagong ang takbo ng ekonomiya?

‘Sa totoo lang may improper traffic management sa public transport sector kaya naman parang kalat ng basura ang nangyayari.’ sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

Ika nga, hindi makadaloy ang tubig sa mga kanal dahil nagbabara sa basura ang daluyan nito . Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malabo ng magkaroon pa ng solusyon ang EDSA traffic dahil dumarami ang madlang people sa Metro - Manila at dumarami rin ang mga bumibili ng mga sasakyan samantala ang kalsada ay hindi naman lumuluwag.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga sasakyang itinataboy sa secondary road ang magkakaroon ng malaking problema sa traffic dahil magsisiksikan dito kasama pa ang mga bus na dumadaan dito dahil may kalakaran?

Naku ha!

Ano ba ito?

Siguro tanggalin muna ng MMDA ang lahat ng sagabal sa mga kalsada, tulad ng illegal terminal, illegal parking, illegal vendors echetera baka magkaroon pa ng katiting na solusyon na umusad kahit papaano ang mga sasakyang mababara rito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mga bus lamang ang nagpapatrapik sa EDSA dahil kumukuha ito at nagbababa ng mga pasahero kahit saan basta ginusto ng driver.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, totoong maraming mga private vehicles sa EDSA pero ang mga ito ay tumatakbo ng tuloy-tuloy at kung may mga MMDA constable pang magpapakita para mag-trapik ay tiyak magiging smooth ang takbuhan dito.

Ika nga, puera bus?

Bakit?

‘Hanggang sa loob lamang ng ‘yellow lane’ ang mga buses pero pinapayagan at nagbubulagbulagan ang mga MMDA oras na lumabas ito sa private vehicles lane at bumalagbag para magbaba at magsakay ng pasahero.’ sabi ng kuwagong uhaw sa pitsa.

Bakit kaya?

Abangan.

vuukle comment

DRIVER ONLY IN EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with