^

PSN Opinyon

PDP-Laban nagkalamat

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI umubra ang pagiging referee ni Pres. Digong Duterte sa mga miyembro ng PDP-Laban. Mahirap ang kinalalagyan ngayon ni Digong dahil napapagitnaan siya ng dalawang nag-uumpugang bato. Wala siyang pu­we­deng itulak o kabigin sa dalawa dahil parehong mala­lapit sa kanya ang mga nagbabangayang kapartido. Mala­ki ang utang na loob niya sa mga ito dahil parehong na­ngampanya para sa kanya nung tumakbo siya sa pagka-presi­dente. Kaya dagdag sakit ng ulo niya ngayon ang gusot ng mga kapartido.

Ang mahirap sa mga miyembro ng PDP-Laban, pataasan ng ihi. Kung walang magbababa ng pride diyan kahit sino ang mamagitan ay talagang hirap pagkaisahin. Para sa akin, mas malakas ang partido kung naka­luklok sa puwesto ang mga namumuno sa partido. Dapat mag­bigay daan si Atty. Rogelio Garcia kay Sen. Koko Pimentel. At least ang grupo ni Koko ang matunog sa taumbayan. Si Garcia kung hindi pa nagkaroon ng gusot sa partido, hindi pa makikilala na miyembro pala ng PDP-Laban.

Mas malaki ang hirap at sakripisyo ni Koko sa partido kumpara kay Garcia. Maitutulad sa kasabihan na si Koko ang nagtanim at nag-alaga tapos si Garcia ang nag-ani. Di naman yata puwedeng mangyari yun di ba?

Ano siya hilo? Magkakawatak-watak lang ang mga miyembro kung ipagkakaloob kay Garcia ang pamumuno. Alam naman natin na ang magkakalabang partido ay mula sa may mataas na puwesto sa gobyerno. Matunog ngayon ang PDP-Laban dahil kaanib dito si Digong.

To the rescue si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio na nagpahayag na puwede siyang tumulong uma­yos sa gusot ng mga miyembro ng PDP-Laban. Ang pinagsamang PDP-Laban at HNP. Malakas na puwersa yan sa 2019.

vuukle comment

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with