^

PSN Opinyon

Bounty hunters hightened alert

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GUSTO pang itaas sa P2 million ang reward sa apat na most wanted personalities ng gobierno sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga assest ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ikakalaboso ng gobierno ang apat na militanteng grupo na mga dating kongresista na sina Satur Ocampo at Teddy Casiño ng Bayan Muna, Rafael Mariano ng Anakpawis, at Liza Maza ng Gabriela.

May mga mabibigat na kaso daw ang apat kaya sila ipinahuhuli ng pamahalaan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag­umpisa ang arrest order sa mga makakaliwang grupo ng maglaho ang usapin pang kapayapaan sa pagitan ng CCP-NDF at gobier­no ni Boss Digong.

Pinaghahanap ang apat pero mabilis na nakapagtago para hindi mahuli ng militar at PNP.

The other day lumutang sa lungga niya si Maza at nagpaunlak ng panayam sa isang tv station.

Sa nangyaring usapan napanganga ang mga huhuli dito dahil nagmistula silang basang sisiw.

Ang tirada ni Maza ang mga ipinipukol sa kanyang mga akusasyon ay gawa-gawa lang.

‘Mahuli o sumuko kaya ang apat sa gobierno?’ tanong ng  SPO- 10 sa Crame.

May malaking halagang pabuya kaya tiyak magpipista ang mga bounty hunters biruin mo may kabuuan P8 million ang reward.

At mukhang hindi ito publicity gimmick lamang.

Abangan.

Multi - million OT ng NAIA customs sa DFP, kalkalin

May lihim na imbestigasyon ginagawa ang gobierno tungkol sa multi-million pesos overtime pay ba diumano’y kinuha ng NAIA Customs sa Duty Free last January to December 2017.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ano kaya ang masasabi ng COA dito?

Nahimay na kaya nila ang kuentong sinasabi sa itaas?

Kung positibo ang information naku marami ang gugulong na ulo dito.

Abangan.

vuukle comment

MOST WANTED PERSONALITIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with