^

PSN Opinyon

Tigok si Misis

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ISA sa madalas na depensa ng akusado sa krimeng pagpatay ay hindi niya sinadyang gawin ito o aksidente lang ang nangyari. Ito ay isa sa mga sirkumstansiyang pinapaliwanag ng Article 12[4] Revised Penal Code na karaniwang nagiging dahilan para makalusot sa krimen. Pero paano nga ba naga­gamit na depensa ito? Ano ang maituturing na aksidente para makaligtas siya sa pananagutan sa krimen? Ito ang sasagutin sa kaso ni Rico Viray.

Kasal si Rico kay Bella at may isang anak na lalaki sila, si Brylle. Hindi matatag at problemado ang kanilang pagsasama dahil walang trabaho si Rico, madalas umuwi na lasing at sapilitan na sisipingan ang asawa. Dahil dito ay dalawang beses na nakunan si Bella pagkatapos ng unang panganganak. Ang tanging ikinabubuhay nila ay ang maliit na tindahan ni Bella na halos hindi kumikita. Madalas tuloy ay problemado sa pangpondo ng kanyang mga tseke si Bella.

Isang beses, bandang alas onse ng gabi ay dumating si Rico na lasing. Dumiretso siya sa kuwarto nila kung saan natutulog si Brylle at ang yaya nitong si Lynn. Dahil sa malakas na boses ng mag-asawa ay nagising si Lynn. Kitang-kita niya nang kumuha ng baril mula sa cabinet si Rico. Sa takot ay napalabas siya ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig niya na sinabi ni Bella, “Sige patayin mo ako, patayin mo na kami ng anak ko.” Pagkatapos ay nakarinig si Lynn ng putok ng baril. Sa tindi ng takot ay lumabas siya ng bahay at pumunta sa bahay ng Barangay Chairman na may limang metro lang ang layo para humingi ng tulong. Pagkatapos ng sampung minuto ay nakita niya si Rico na lumabas ng bahay at nagpatawag ng taxi para madala ang sugatang katawan ni Bella sa ospital. Dinala ni Rico si Bella sa pagamutan samantalang naiwan naman si Lynn para mag-alaga kay Brylle. Sinubukan ni Lynn na tawagan ang kapatid ni Bella na si Cathy para ipaalam ang nangyari pero hindi niya ito makontak.

Pagdating sa ospital ay hindi agad naasikaso at naoperahan si Bella kaya tuluyan siyang namatay. Ayon sa eksaminasyon ng kanyang bangkay, ang ikinamatay ni Bella ay ang tama ng bala na pumasok sa kaliwang hita. Pero dahil pataas ang pagkakatama ay dumiretso ang bala sa maliit na bituka at nabaon sa ilalim ng kanyang matres kung saan nakuha ang tingga. Ayon sa konklusyon ng duktor ay wala pang isang piye ang layo ng nguso ng baril sa katawan ni Bella kaya imposibleng nag-agawan sila sa baril dahil na rin sa posisyon o trajectory nito na pataas at walang bakas sa malapitang pagpapaputok.

Nagsagawa rin ng paraffin test sa mga kamay nina Rico at Bella. Negative ang naging resulta kay Bella pero positibo ang kanang kamay ni Rico. Indikasyon na siya ang nagpaputok ng baril. Kaya’t kinasuhan si Rico ng parricide dahil sa pinagplanuhang pagpatay niya kay Bella.

Pitong testigo ang iniharap ng prosekusyon kabilang si Lynn at ang medico-legal na sumuri sa bangkay ni Bella. Si Rico lang ang tumestigo para sa kanyang sarili at sinabing ang pagpatay niya sa asawa ay aksidente lang. Kinuha niya raw ang baril para magpakamatay dahil sa patuloy na pagbu­bu­­nganga ni Bella pero nagising si Brylle at pumagitna sa kanilang dalawa. Hinarang daw ni Bella ang kanang tuhod para pigilan si Brylle samantalang pilit naman niyang inaagaw ang baril kay Bella. Itinaas niya ang brasong may hawak na baril ngunit pumutok ito nang sumayad sa kaliwang hita ni Bella.

Hindi naniwala ang hukuman sa palusot ni Rico at hina­tulan siya ng 40 taon ng pagkakulong o reclusion perpetua para sa krimeng parricide o pagpatay sa asawa at pinagbabayad din ng danyos sa naulila ni Bella.

Inapela ni Rico ang kaso hanggang sa Supreme Court dahil­ aksidente lang daw ito. Dapat daw ay wala siyang pananagutan alinsunod sa Article 142(4) ng Revised Penal Code.

Pero sinabi ng SC na talagang may sala si Rico, ang depensang aksidente ay magagamit lang kung walang ibang krimeng nagawa. Dito si Rico ay bumunot ng baril sa gitna ng kanilang pagtatalo kaya ito ay krimeng light threat. Isa pa, hindi rehistrado sa kanyang pangalan ang baril kaya puwede pa nga siyang kasuhan ng illegal possession. Pangalawa, taliwas sa mismong resulta ng pagsusuri ng medico legal ang sinasabi niyang nag-agawan sila sa baril para pigilan na barilin ang sarili dahil ang direksiyon ng tama ng bala ay pataas at walang indikasyon na malapitan ang pagpapaputok. Ayon din sa paraffin test, negative ang kamay ni Bella sa nitrates kaya hindi siya nagpaputok ng baril at hindi siya nakikipag-agawan kay Rico nang pumutok ito (People vs. Nepomuceno, G.R. No. 127818, November 11, 1998).

vuukle comment

REVISED PENAL CODE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with