^

PSN Opinyon

Finland bakit pinaka-masaya?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISANDAA’T LIMAMPUNG taon noon, nilagas ng gutom ang 9% ng mga taga-Finland. Ngayon, sa sunud-sunod na sarbey ng United Nations, ito ang pinaka-masayang bansa. (Tatlong kapit-bansa ang sumusunod: Norway, Denmark, at Iceland.) Hindi klima ang nagpapasaya sa mga Finns. Kalimitan sa Finland bumabagsak ang temperatura nang -20ºC, at hindi nasisilayan ng araw halos kalahati ng taon.

Bukod sa pinaka-masaya,marami pang ibang No. 1 ang Finland, anang Economist. Pinaka-matatag, pinaka-malaya, pinaka-ligtas ang bansa, ayon sa iba’t ibang sarbey.

Sinukat ng World Happiness Index ang mga bagay-bagay na nagpapasaya sa mamamayan sa kanilang buhay. Tapos, pinaghambing ng mga mananaliksik ang kita ng bawat indibidwal, suporta ng gobyerno, malusog na haba ng buhay, kalayaan dumesisyon, pagbibigayan, at kawalan ng katiwalian. Dikit-dikit ang grado sa mga panukat na ‘yon ng limang pinaka-masasayang bansa. Kaya, masasabi na mga pinaka-masasayang mamamayan ay kung saan matulungin ang sistema at mga institusyong panlipunan -- na nagtitiyak na bawat isa’y naaalagaan. Kabaliktaran, pinaka-miserable ang pakiramdam ng tao sa pinaka-ma­ra­lita at pinaka-magulong mga bansa -- Yemen at Syria.

“Nakakabagot” na nga ang mga nagpapasaya sa mga Finns: bahay-bakasyunan kapag tag-init, maliit na taniman ng patatas, libreng pag-aaral, mahahabang ba­kasyon sa trabaho, at malusog na kabuhayan. Nagtitiwala ang mahigit 80% ng Finns sa kanilang pulisya, edukas­yon, at alagang kalusugan. At dahil sa progresibong pag­bubuwis at pagkalat ng kayamanan, hindi nagkakalayo ang buhay ng mayaman at mahirap. Gan’un din ang sa mga lalaki’t babae. Sinasabing pinaka-magandang bansa ang Finland maging ina at nagtatrabahong babae. Ma­taas noon ang suicide rate sa Finland, pero naibaba ito nang 30% mula taong 2000. Pati imigrante, karamihan Estonian at Ruso, ay pinaka-masasaya.

vuukle comment

ECONOMIST.

FINLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with