^

PSN Opinyon

GMA, bagong House Speaker

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKO’Y natutuwa dahil sinipa na sa kanyang puwesto si Rep. Pantaleon Alvarez na pasimuno sa no election (no-el). Para sa akin sumobra na ang kayabangan ni Alvarez kaya ayan, hindi na pinatagal pa ng kanyang mga kasamahan at sinipa sa pagka-speaker. Mas pabor ang nakararami kay Rep. Gloria­ Macapagal Arroyo kahit mismong kaalyado ni Alvarez sa PDP-Laban at hindi na nasikmura ang pamamahala nito sa House of Representatives. Nakakahiya para kay Alvarez dahil sa mismong araw ng SONA ni President Digong siya sinipa. Maraming matataas na tao at mga negosyante ang nakasaksi.

Huwag naman sanang husgahan si GMA ng ilang mga mambabatas. Kung meron man silang hindi nagustuhan kay GMA nung ito ay presidente pa. Nakalipas na yun, mag-move-on na tayo. Mas gusto ng marami si GMA maging House Speaker kaya siya ibinoto. Hindi naman siguro nating puwedeng sabihing nang-agaw ng puwesto. Iniluklok siya  ng mga kasamahan niya sa Kongreso at dumaan iyan sa botohan. 

Iwasan sana nating mag-isip ng negatibo, hayaan nating­ paglingkuran niya ng maigi ang Kongreso. Kung halimba­wang natutulad na kay Alvarez ang kanyang pamamalakad, puwede naman aksiyunan agad at siya’y palitan bilang House Speaker. Tayo ay nasa demokrasyang bansa. Malaya tayong­ gawin at sabihin ang nararapat.

Personal kong kakilala si GMA kaya tiwala akong mapag­lilingkuran nang maayos ang kanyang bagong posisyon. Para sa akin, maganda naman ang naging performance niya noong siya ang Presidente ng bansa. Sa Mayo 2019 wala nang Pantaleon Alvarez na hahadlang sa election kaya alisin na ang alinlangan, tuloy ang halalan. Alam kasi ni Alvarez na tagilid na siya pagdating ng election kaya pinupursige niya ang no-el.

Nawalan na ng power ang dalawang kapalmuks sa Kongreso. Ganyan ang nangyayari sa mga maaangas na tao. Ligwak!

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with