^

PSN Opinyon

Kasuhan na lahat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HUWAG daw ipagwalambahala ng administrasyon ang mga nauungkat na kuwestiyonableng transaksyon ng COA sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Ito ang paha­yag ni Sen. Panfilo Lacson sa mga siniwalat ng COA sa DOT, DOTr, PAGCOR at PCOO. Ewan ko, pero siguro naman mas higit pa ang mga iyan sa “whiff of corruption” na iginiit ni President Duterte na aaksyunan niya kapag na­kaamoy ng kahit konting katiwalian sa administrasyon. Kung pagsasama-samahin ang mga kinukuwestiyong gastusin ng mga ahensiya, baka bilyun-bilyon na ang pinag-uusapan.

Pero wala ngang naririnig mula sa Presidente. Walang mga galit na talumpati kung saan binabatikos ang mga akusado at sinisibak. Walang mga banta na tumahimik, kung hindi ay mas lalong maraming isisiwalat. Kung titingnan, ito ang mga ahensiya kung saan malalapit sa Presidente ang naroon, lalo sa PCOO. Iniim­bestigahan na raw ang limang empleyado ng PCOO kung lumabag nga sa pagbigay ng mga malalaking kontrata sa ilang supplier, na walang public bidding. Pero kung hindi pinuna ng COA ang mga ito, lalabas ba ang mga kuwestiyonableng gastusin noong ASEAN? Sigurado bang lima lang ang sangkot?

Sa kaso naman ng mga nakuhang regalo at kaliwa’t kanang benepisyo ng mga empleyado sa PAGCOR, nga­yon lang hihingi ng klari­pikasyon sa tanggapan ng Presidente kung puwede nga nilang gawin. Pero kung pi­nuna na nga ng COA, hindi ba mali na iyon? Sana, ang Ombudsman ang kumilos na kasuhan ang sinomang ka­­ilangang managot. Ang COA na ang nagpahayag na dapat kasuhan ang mga taga-PCOO para sa mga nasiwalat nilang kuwestiyonableng transaksyon. Pero sino naman kaya ang susunod na Ombudsman na kakasuhan ang mga ito, kung patapos na ang termino ni Morales?

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with