^

PSN Opinyon

Mabigat na desisyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANG hinihintay ng buong bansa na desisyon ng FIBA sa matinding away sa pagitan ng koponan ng Gilas Pilipinas at Australia sa Philippine Arena ay lumabas na. Sampung manlalaro mula Gilas ang nasuspende, depende sa kanilang mga ginawa noong magkagulo na. May suspendido ng isang laro, may tatlo, may lima at isang manlalaro, si Calvin Abueva na suspendido ng anim na laro. Sinuspende rin ng tatlong laro si Coach Jong Uichico, habang isang laro naman para kay Coach Chot Reyes. May multa ring babayaran si Reyes sa halagang 10,000 Swiss Francs, o higit kalahating milyong piso. Ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay mamumultahan din ng P13 milyon. Ang sunod na laro ng Gilas sa bansa ay hindi bubuksan sa publiko, at babantayan ang Pilipinas ng tatlong taon kung papatawan pa ng dalawang “closed doors” na laro.

Pinatawan din ng suspension at multa ang koponan ng Australia. Tatlong manlalaro ang nasuspende at may multa rin ang organisasyon, bagama’t mas maliliit ang parusa kumpara sa Pilipinas. Ang mga referee na nangasiwa sa laro ay tinanggal ng FIBA, at hindi sila magagamit ng isang taon sa anumang laro ng FIBA. Hindi nga nila nakontrol ang laro sa simula pa. 

Nagsalita na si Al Panlilio ng SBP hinggil sa desisyon ng FIBA. Tatanggapin ang desisyon, pero hihingi ng klaripikasyon sa mga multa at mga “closed door” na laro. Sa tingin ko, ibabalewala ng mga manlalaro ang suspension. Ang iba sanay na nga sa suspension. Ang tingin kong mabibigat na desisyon na ibinaba ng FIBA ay ang suspension sa mga coach, at ang multa sa SBP. Kung babasahin ang buong desisyon ng FIBA, binanggit nila na kaya minultahan ang SBP ay dahil sa “unsportsmanlike behavior of its delegation members and of its public, as well as for insufficient organization of the game”. Pinuna na hindi nakontrol ng mga organizer ang laro, at ang pagkakasangkot pa ng ilang opisyal ng SBP at miyembro ng publiko sa gulo. Sa tingin ko pinuna ang pambabato ng silya sa isang manlalaro ng Australia. Sibilyan ang nambato. Kaya rin namultahan si Reyes ay dahil sa kanyang “inciting unsportsmanlike beha-vior”. Kahit ano pang paliwanag ng lahat, iba ang nakita ng FIBA. Parang dito na makikilala ang Gilas kapag may laro, pati ang publiko. Binigyang-diin ng FIBA na walang lugar ang karahasan sa basketball. Hindi biro ang kalahating milyon at P13 milyon. Mabigat ng leksyon, na sana ay may matutunan.  

vuukle comment

GILAS PILIPINAS-AUSTRALIA BRAWL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with