^

PSN Opinyon

Sis. Fox bigyan ng second chance

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG ako si Pangulo President Duterte, patatawarin ko si Sis. Patricia Fox at babawiin ko ang deportation order niya. Puwede niyang gawin ito kung gusto niya. Mapapatunayan pa ng Pangulo na hindi totoo ang mga hinala na siya ay isang mapanupil na diktador. Tutal, ano naman ang magagawa ng isang mahigit sa pitumpung taong gulang na matandang madre para itaob ang administrasyon?

Kasama ako sa mga nalulungkot sa deportasyon ng Australyanang Madre na sa halos 30-dekada ay nag­lingkod nang tauspuso sa mga mahihirap na Pilipino. Minis­terio ng madre ang paglingap sa mga kapuspalad na Pilipino, pati na yung mga biktima ng kawalang-kata­rungan. Ito’y parang tulong na rin sa pamahalaan na walang kakayahang lingapin ang lahat ng mahihirap.

Sang-ayon ako sa paglalarawan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang pangya­yari ay naglagay sa Pilipinas sa isang kahiya-hiyang katayuan. Kamakalawa ay inilabas na ang pinal na desis­yon ng Bureau of Immigration kaugnay ng pagbabalik kay Fox sa kanyang bansang pinagmulan.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines - Epis­copal Commission on Mission, nakumpirma ang hinala ng mga obispo, at ilang lider ng simbahan sa bansa na inu­usig ng pamahalaan ang mga taong pumupuna sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.

Anang Obispo, mahigit 27 taong paninirahan ni Sr. Fox sa Pilipinas, mabuti ang pakikitungo at paglilingkod ng madre sa mga lumad na nakararanas ng mga pangmamaliit, pang-aapi at pinprotektahan ang mga ina­abuso ang karapatang pantao.

Ang nangyaring ito ay maaaring maging dahilan upang tabangan ang ibang dayuhang civic organizations at indibidwal na  magsagawa ng misyon ng paglingap sa Pilipinas. Isa pa, nagbibigay ito ang maling senyales na ang Pilipinas ay isang police state na pinaghaharian ng diktador.

vuukle comment

ATRICIA FOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with