^

PSN Opinyon

Ingat sa “Surveys”

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG surveys ang magkasunod na inilabas ng Pulse Asia at SWS na halos parehong resulta. Tutol daw ang maraming Pilipino sa malamyang policy ng adminis­trasyon sa issue ng West Philippine Sea. Ang ibig daw ng marami ay “magprotesta” upang mapansin ng mga international organizations tulad ng ASEAN,United Nations para suportahan ang pakikipaglaban sa China. 

Sa ganang akin, Hindi dapat bumitiw ang Pilipinas sa ating karapatan sa ilang bahagi ng karagatang ina­angkin din ng China at iba pang bansa sa Asia. At iyan naman ang tinitiyak ng administrasyon habang isinusulong ang isang mapagkaibigang polisiya ng Pilipinas sa China na sa tingin ng iba ay pagyukod at pagsuko sa taglay na lakas ng naturang bansa. Sa patakarang ito ay ibig kong bigyan ng benefit of the doubt ang administras­yon. Kinakalinga naman ng gobyerno ang militar. Mula sa dagdag na benepisyo sa mga uniformed personnel hanggang sa mga makabagong sasakyan, armas at iba pa. Ngunit sadyang wala tayong lakas para lumaban sa mas malalakas na bansa tulad ng China. Diplomasya ang kailangan.

Madali para sa mga nasa oposisyon na sabihing ipag­laban ang ating karapatan. Madaling mag-ingay at mag-eksperimento ng iba’t ibang paraan na hindi naman sigu­rado ang resulta kung makakabuti o makakasama sa mga Pilipino.  

Ibig nating mabigyan ng mas magandang buhay ang mga mangingisda sa Scarborough Shoal? Kung antago­nistic ang relasyon ng Pilipinas sa China, paano maka­ka­­pangisda ang ating mga kababayan sa pinagtatalunang­ lugar?

Isa pa, ibig ba nating tumalikod ang mga negosyante­, turista at investor na galing sa China dahil hindi pala nagtitiwala ang mga Pilipino sa kanila? 

Sa ayaw man natin o gusto, si Duterte ang Pangulo.  Bagama’t binabatikos natin siya sa mga bagay na sa tingin natin ay mali, dapat din siyang suportahan sa mga bagay na tama at kapapakinabangan ng bawat Pilipino. Habang nag-iingay ang mga oposisyon, ang administrasyong Duterte ay patuloy sa  pagpapalakas ng ating ekonomiya at pagsasaayos sa kakayahan ng ating militar. Ito ang mas makakatulong sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipino.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with