^

PSN Opinyon

Walang kadala-dala

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MISMONG si NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang nagpasok sa selda sa apat na pulis na nahuling nangingikil sa babaing hinuli dahil daw sa iligal na droga. Pero may apat pang nakatakas sa operas­yon na ginawa ng Regional Special Operations Unit (RSOU) at ng National Capital Region, kabilang ang hepe ng Muntinlupa police station at mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU). Lumabas na ang ginawang operasyon sa isang babae ay hindi naman dinaan sa tamang proseso, kung totoong nahulihan nga ng droga. Hinuli siya, dala pa ang pitong taong gulang na anak, at hiningan ng P400,000 para makalaya. Tinangay pa ng mga pulis ang mga kagamitan sa bahay ng babae. Sa entrapment operation na ginawa ng RSOU, nakita ang markadong pera, mga gamit na tinangay ng mga pulis sa kanilang sasakyan. May nakita pang pakete ng shabu sa pitaka ng isa sa mga pulis.   

Ang insidenteng ito ay magsisiwalat sa tunay na nagaganap sa tinatawag na drug war ni President Duterte. Ang pakete ng shabu na nakita sa pitaka ng pulis ng SDEU mismo ay maaaring ginagamit para itanim sa mga hinuhuling suspek, maliban na lang kung ang pulis mismo ang adik. Mabuti naman at kumikilos si Eleazar ng ganito, at hindi lang pina-push-up tulad ng ginawa ni Dela Rosa noon. Sa ilalim ni Dela Rosa naging ganito ang mga pulis, dahil alam na suportado sila basta’t iligal na droga ang pinag-uusapan.

Sinibak ang walong miyembro ng Muntinlupa SDEU. Pero sila lang ba ang sangkot sa mga ganitong klaseng operasyon? Lahat ng istasyon ng pulis ay may SDEU. Lahat ba ay malinis? Lahat ba ng kanilang mga ginagawang operasyon kontra iligal na droga ay malinis at maayos? O marami riyan ang may mga pakete ng shabu rin sa kanilang pitaka, at naghihintay lamang ng tamang pagkakataon para itanim sa suspek? At sigurado bang hindi alam ng ibang pulis sa station ang ginagawang kalokohan, o krimen ng SDEU?

Galit na nagpahayag si Eleazar na kahuhuli lang daw sa mga pulis-Maynila dahil sa pangingikil, hindi pa rin madala-dala ang ibang pulis. Ganun na nga ang nangyayari. Ang pagdoble sa kanilang sahod ay tila kulang pa rin para matigil ang mga kriminal na operasyon. Lumaki lang ang gastos ng mamamayan sa kanila, na ganyan naman ang kapalit. Walang kalaban-laban ang ordinaryong mamamayan, kapag natarget na ng mga ganitong uri ng pulis.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with