^

PSN Opinyon

Bagong Chief Justice maging matapang sana

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

IDINADALANGIN nang marami na maging matapang ang bagong ChiefJustice. Nakapanlulumo ang dinaanan ng dalawang huling namuno sa Hudikatura. Parehong ipinatanggal ng mga Presidente. Maari itong ikasindak ng papalit sa kanila.

Si Noynoy Cojuangco Aquino lang ang makapagsasabi kung bakit ipina-impeach niya si CJ Renato Corona nu’ng 2012. Anang mga tao niya, labag sa Konstitusyon ang pagtatalaga ni naunang President Gloria Arroyo sa dati niyang legal counsel Corona. Sa huling buwan niya sa puwesto ito ginawa, kung kailan bawal na siya mag-appoint sa sinoman. Anang mga tao ni Arroyo, bengansiya raw ni Aquino ang impeachment, dahil pinamunuan ni Corona ang pagpasya ng Korte Suprema na ipamahagi sa mga empleyado ang Hacienda Luisita na pag-aari ng angkang Cojuangco. Ano’t ano man, nabunyag sa paglilitis sa Senado may tagong bilyon-bilyon-pisong mga condo at dollar deposits si Corona. Pero nabisto rin na sinuhulan ng Malacañang ang mga senador na bilyon-bilyon-pisong pork barrel para alisin siya sa puwesto.

Dalawa ang ikinagalit ni Pres. Rody Duterte kay CJ Maria Lourdes Sereno. Una, tinuligsa ni Sereno ang madugong war on drugs ni Duterte. Ikalawa, pinagbintangan siyang namumuno sa pagpapatanggal. Imbis na impeachment, quo warranto ang ginamit na pagpatalsik. Hinabla siya ng Solicitor General ng kakulangan ng kuwalipikasyon bilang CJ, at kinatigan ito ng walo sa 14 na mahistrado ng Korte Suprema. Mga kasamahan mismo ni Sereno ang naglaglag sa kanya.

Kung mahina ang loob ng bagong CJ, magiging sunud-sunuran ito sa Presidente, Kongreso, at mga kasamahan niya sa Korte Suprema. Mapopolitika ang mga pasya ng Korte, o kaya’y kakatig sa highest bidder. Mawawalan ng Hustisya ang sambayanan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

NOYNOY COJUANGCO AQUINO

RENATO CORONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with