^

PSN Opinyon

Tinodas ang mister (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ISANG kakaibang kaso ito ng mister at misis. Kung saan inamin ni misis na pinatay ang mister dahil sa paulit-ulit daw na pagmamaltrato ng lalaki sa kanya kaya sinapian siya ng masamang espiritu at nagawang patayin ang asawa. Ang isyu rito ay kung puwedeng maging depensa sa kanyang ginawa ang sinasabing pananakit at ang pagsapi ng masamang espiritu. Ito ang kaso ni Berna.

Kasal si Berna kay Gardo at mayroon silang dalawang anak, si Cindy na 20 anyos at si Cyrus na 15 anyos. Magulo ang pagsasama ng mag-asawa dahil na rin sa pagwaldas ni Gardo sa kayamanan ng pamilya. Sugarol ito at may kabit na sinusustentuhan, si Dina. Lasenggo rin si Gardo at ito ang dahilan ng pananakit niya kay Berna sa tuwing mag-aaway sila.  

Nangyari ang pagpatay sa loob mismo ng kanilang ta-hanan. Dumating si Gardo na lasing at nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa tungkol sa mga binentang lupa ng lalaki na pinatalo lang sa sugal ang pinagbilhan para masunod ang kapritso ng kanyang kabit. Pagkatapos ng pagtatalo ay natulog sa isang maliit na kuwarto si Gardo. Hindi na siya kumain ng hapunan. Nasa kabilang kuwarto naman natutulog sina Berna at ang kanilang mga anak. Bandang alas-diyes ng gabi ay ginising ni Berna si Cindy at sinabing patay na ang lalaki. Inamin ni Berna na siya ang pumatay sa lalaki dahil daw sa pananakot nitong papatayin siya. Sa pangungulit ni Berna ay tinulungan ni Cindy ang ina na dalhin sa may sapa ang bangkay at iwan doon.

Sumunod na hapon ay dumating ang hepe ng pulis ng bayan at pumunta sa baryo nang malaman ang tungkol sa bangkay. Kasama niya ang huwes at ang Sanitary Inspector. Natagpuan nila ang bangkay sa sapa at sinuri ito. Matapos makipag-usap kay Cindy ay inaresto ng pulis si Berna na gumawa ng salaysay tungkol sa nangyari. Sumunod na araw ay hinarap sa huwes si Berna at tinanong siya kung talagang kusang-loob na ginawa niya ang krimen. Inamin ni Berna ang ginawa at sinumpaan sa harap mismo ng dalawang testigo kaya pinatotohanan ng huwes ang salaysay. (Itutuloy)

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with