^

PSN Opinyon

No-El sa 2019? No way?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KAILANGAN na yatang magising sa kanyang pagkakabangungot si House Speaker Pantaleon Alvarez. Dadaan muna siya sa butas ng karayom bago niya maharang ang election sa May 2019. Kahit sino ang tanungin ngayon ay kokontrahin din siya at baka mapahiya pa. Bakit? Akala ba niya aarangkada na ang isinusulong niyang Federalism sa susunod na taon? Matagal ko nang sinasabi na hindi na dapat galawin pa ang 1987 Constitution. Oo nga’t maraming mangmang sa ating bansa, pero kahit siguro sila ang inyong tatanungin ay alanganing oo at hindi pa rin ang kanilang magiging sagot sa inyong Federal type of government. Kung gusto n’yong manatili sa puwesto kumandidato ulit kayo.

Kapag ipinilit ni Alvarez ang No-El sa susunod na taon sigurado ako maraming kababayan natin ang aalma. Gusto yata nila na matulad sila kay Ferdinand Marcos at Gloria Arroyo na matagal nanatili sa puwesto. Mga kapit-tuko kayo! Bigyan daan naman ang iba nating kababayang magsilbi sa bayan tulad n’yo. Alam naman nating lahat na laging inaaba-ngan ng ating mga kababayan ang election. May iba’t ibang dahilan nga lang. Ang tanong ko ay ito, bakit ba ipinagpipilitan ni Alvarez na walang election. Bakit? Sigurado na ba siya na papasa ang isinusulong niya?  ‘Yan ang kanyang malaking pagkakamali kung sa Kongreso nakalusot ito pero andiyan pa ang senado at may plebesito pang pagdadaanan. Kaya nagpapatawa lang si Alvarez. May saltik na yata sa ulo tulad ng amo niya.

Kaya kung ako kay Alvarez, manahimik na lang. Pagtuunan na lang ng pansin ang batas na makabubuti at makagagaan sa pamumuhay ng ating mga kababayan. ‘Yan ang pangunahing trabaho n’yo ang pagsilbihan ang samba-yanang Pilipino, hindi yung sarili n’yo agad ang iniisip, puro salita, kulang naman sa gawa.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with