^

PSN Opinyon

‘Lean and mean’

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MANONOOD si Pres. Rodrigo Duterte sa laban ni Sena­tor-boxer Manny Pacquiao at World Boxing Association welterweight champion Argentinian Lucas Matthysse na gaganapin sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong araw na ito.

Ngunit lingid sa kaalaman nang marami ang kasama-kasama ng Presidente sa biyaheng ito ay isang matatawag na “lean and mean” team dahil nga hindi siya magdadala ng pagkarami-raming tauhan ‘di kagaya ng mga nagdaang foreign trips niya noon, na mga state o official visits niya.

Pati nga mga Presidential Security Group personnel ay mas kokonti kumpara sa kanyang foreign trips noon.

Mas pinili pa rin ng Presidente na siya ay sasakay ng commercial flight ng Air Asia na direct Davao-Kuala Lumpur kaysa naman kumuha siya ng chartered flight.

Actually, yung lean and mean team na sinasabi ko ay ang bubuo sa kung sino ang isasama niya sa kanyang meeting with Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad bukas bago uuwi ng Pilipinas si Duterte. 

Sinasabing ang kanyang trip sa Kuala Lumpur ay isang private visit kasi nga manonood siya ng boxing bout ni Pacquiao. 

May dalawang beses na ring nakapanood si Duterte ng bout ni Pacquiao--- noong naganap dito sa Davao City at isa naman ay noong sa Macau.

Pinapakita lang naman ni Duterte ang kanyang suporta kay Pacquiao kahit na si Vice President Jejomar Binay ang inendorso nito noong May 2016 elections. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with