^

PSN Opinyon

‘Wag patayin ang transport sector

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA harap nang walang habas na pagtaas sa presyo ng petrolyo kawawa ang transport sector. Baka dumating ang puntong sila pa ang abonado imbes na kumita dahil hindi naman umaagapay sa pagtaas sa presyo ng petrolyo ang pagtaas sa pasahe.

Tumataas ang halaga ng krudo sa pandaigdig na mer­kado at lalo pang apektado ang presyuhan ng petrolyo dahil sa excise tax na ipinapataw sa petrolyo ng pamahalaan. Sa kabila ng mga apela na itigil ang paniningil ng excise tax sa petrolyo, ayaw itong dinggin ng pamahalaan. Mahalaga raw ang malilikom na revenue para sa programang Build, build build ng pamahalaan.

Mayroon ngang “Pantawid Pasada” ang pamahalaan­ para ayudahan ang transport sector sa harap ng problema. Kaso, hindi ito sapat. Sa ilalim nito, kabuuang P5,000 ay ibibigay sa mga jeepney drivers para sa nakalipas na anim na buwan ng 2018. Ito’ dagdag na P833 kada buwan o P27.7 bawat araw. Ang masaklap, hindi pa ito naibibigay at puro bokadura pa lang.

Sabi nga ni Sen. Bam Aquino, “Atrasado na nga ang tulong, kulang pa ang ibibigay ng gobyerno sa mga tsuper ng pampasaherong jeep.” Ito raw ay para palambutin ang epekto sa pahihirap ng Tax Reform for Accelaration  and Inclusion Law (TRAIN).

Sa suma total, wala pang isang litrong diesel ang tulong na binibigay sa mga jeepney driver. Mabilis na aksyon ang ka­ilangan dito. Kapag hindi na makayanan ng mga driver ang situwasyon at tumigil sila sa pagpasada, lahat ng tao ay apektado, Kawawa ang mga ordinaryong mamamayan na hindi makakapasok sa kanilang mga trabaho. Maganda ang Pantawid Pasada pero kailangang tiyakin na ito ay sapat para mapagtakpan ang itinataas ng produktong petrolyo para hindi abonado ang mga driver.

vuukle comment

PETROLYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with