^

PSN Opinyon

May karugtong pa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SIMULA Hulyo 23, magmamahal na ang tiket sa lotto. Ang dating tayang P20 ay magiging P24 na; ang P10 ay P12; at ang P5 ay P6 na. Ang dahilan? TRAIN. Pinata­wan na rin ng 20 percent ang mga mananalo ng P10,000 pataas. TRAIN din ang dahilan.

Wala na talagang ligtas sa mga epekto ng TRAIN. Mga epekto na hindi naman nararamdaman ng mga mayayaman. Hindi rin magandang basahin na habang maraming nahihirapan na mamamayan sa mga epekto­ ng TRAIN, makakabasa ng mga hindi magandang gina­gawa ng ilang mga nasa gobyerno, o dating nasa gob­yerno. 

Ang inflation ay napakataas sa loob ng limang taon. Pero patuloy pa rin ang pagtanggol ng gobyerno sa TRAIN. Hindi rin nababahala ang gobyerno sa pagbagsak ng piso kontra dolyar. Ganun naman daw sa buong mundo. Pero maraming kompanya ang gumagamit ng imported na materyales para sa kanilang mga produkto. Kaya paano hindi magiging masama para sa ekonomiya ng bansa ang mataas na palit ng dolyar? Kung mahal ang bilihin ng materyales, hindi ba magmamahal lahat, hindi ba mas lalong tataas ang inflation, mas lalong mahihirapan ang ordinaryong Pilipino?

Hindi pa makita ang bunga ng “Build, Build, Build” ng administrasyong Duterte. Iba pinaplano pa lang, iba sinisimulan pa lang. Hindi nga nagamit ang malaking bahagi ng budget ng DPWH noong nakaraang taon dahil sa iba’t ibang dahilan. Mahaba pa ang pagdadaanan ng mamamayan sa nagaganap ngayon, bago maginhawahan. At hindi pa tapos ang TRAIN. May karugtong pa.

vuukle comment

TRAIN LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with