^

PSN Opinyon

Pagpupugay sa mga natatanging indibidwal

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANG aming grupo ang madalas kumakastigo sa mga pulpol at babagal-bagal na empleyado o opisyal ng gob­yerno. Iyong mga di malapitan, na di malaman kung anong pinagkakaabalahan, sa amin tiyak may kalalagyan.

Pero ang BITAG hindi lang tagapuna ng mali. Sa kolum na ito, gusto kong bigyang pansin ang ilang mga katangi-tanging indibidwal at departamento. Ito’y pagkilala sa kanilang mabuting trabaho.

Sila’y kilos pronto kung umaksyon sa problema ng ating mga kababayan. Madaling tawagan at halos katuwang na namin sila sa aming mga programa on a daily basis.

Ang tinutukoy ko’y ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Labor and Employment (DOLE), Social Security System (SSS), ang Philippine National Police (PNP), at ang Valenzuela Go­vernment. 

Kapag problema sa mga OFWs ang pinag-uusapan – mga inabuso at minaltrato, kasangga namin ang OWWA. Mabilis ang kanilang kilos, lalo na sa mga emergency cases na kailangang i-rescue ang isang OFW.

Sa mga employer na hindi tama ang trato at pasahod sa mga tao, DOLE at SSS ang aming takbuhan. Walang ligtas ang mga di nagbibigay ng buwanang obligasyon o social contributions. Ito ‘yung mga nagkakaltas buwan-buwan sa suweldo ng empleyado pero hindi remitted

Kung usapang krimen naman, hands down kami sa PNP sa pamumuno ni General Oscar Albayalde. Kahit kay NCRPO chief Guillermo Eleazar, wala kaming masabi.

Madaling lapitan at maasahan. Kahit sa reklamo ng mga kababayan nating security guards, nandiyan ang Supervisory Office for Security and Investigating Agency (SOSIA), sa ilalim din ng PNP.

Kahit anong problema, basta sa loob ng siyudad ng Valenzuela, kilos pronto ang aksyon ng kanilang butihing mayor. Iba ang mindset ni Mayor Rex Gatchalian pagdating sa public service, kaya naman hanga kami sa kanyang pangangasiwa.

Ilan lang sila sa mga natatanging indibidwal, at marami pang iba. Malaki ang kanilang naitutulong, lalo na sa mga kababayan nating hirap sa buhay.

There’s a standard of excellence among them at talaga namang may malasakit sa kapwa. For that, labis ang pasasalamat namin sa kanila. Salute! 

vuukle comment

BAHALA SI BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with