^

PSN Opinyon

Madugong linggo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAYOR ng Tanauan, Batangas, pinatay. Mayor ng General­ Tinio, Nueva Ecija, pinatay. Vice Mayor ng Trece Martires pinatay. Lahat ito ay naganap sa loob ng isang linggo. Ito ba ang sinasabing parang Singapore na ang Pilipinas? Ito ba ang sinasabi ng PNP na bumaba ang krimen? Ito ba ang sinasabi ng Palasyo na walang “culture of impunity”? Bakit napakadaling pumatay ng tao ngayon? Bakit tila walang takot ang mga mamamatay-tao na lumabas at pumatay, sa liwanag pa ng araw? Ang dalawang insidente ay malapitan ang pagpatay. Wala bang takot ang mga kriminal na mahuli? Bakit kaya?  

Maraming trabaho ang PNP ngayon. Tatlong mabibigat na kaso ang kailangang lutasin. Sinasadya ba ang mga ito para magmukhang masama na ang sitwasyon ng kapa­yapaan sa bansa at maging batayan sa pagdeklara ng martial law? May mga nagtatanong naman kung ito na ang simula ng karahasan dahil election sa susunod na taon. Pulitika ang tinitingnan ng pulis na isang anggulo ng krimen.

Kailangang malutas ng PNP ang mga krimen na ito, sa lalong madaling panahon. Inutusan na rin ng DOJ ang NBI na mag-imbestiga kung may kaugnayan ang tatlong krimen. Kailangan ding ipakita ng PNP na kontrolado pa rin nila ang kapayapaan sa lansangan. Baka naman kontrolado nga nila. Hindi na dapat ang paghuli sa mga tambay ang inaasikaso, kundi ang paghuli sa mga mamamatay-tao. Kung bilyon naman pala ang perang nakalaan sa intelligence fund ng tanggapan ng Presidente, hindi ba puwedeng magamit iyan sa paglutas ng krimen? O may ibang pinaglalaanan ang tanggapan ng Presidente, kaya 350 percent ang itinaas kumpara sa nakaraang taon? Hindi saklaw ng audit ng COA ang nasabing pondo, kaya paano pala malalaman kung saan napupunta ang pera ng bayan? Sigurado may dahilan kung bakit ganyan kalaki ang itinaas ng intelligence fund nila. Maganda sana kung alam din ng publiko. Mas lalong nagagatungan ang pag-iisip ng iba na may pondo nga para sa mga nagaganap na patayan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with