^

PSN Opinyon

Pondo sa batas dapat tiyakin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GAANO man kaganda ang isang batas, wala itong silbi­ kung walang pondo sa implementasyon nito. Kama­kailan ay may dalawang batas na pinagtibay ni Presidente Duterte na akda ni House Appropriations Committee chair, Rep. Karlo Nograles ng unang distrito ng Davao. Ang mga ito ay ang RA 11037 at RA 11039 o ang Masus­tansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act, at ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Act.

Importante ang mga batas na ito dahil bahagi ng programa ng pamahalaan sa pagsugpo ng kahirapan at pagpapaunlad sa mga kanayunan. At komo si Nograles ang may akda ng dalawang batas, sinabi niya na ayaw niyang madiskarel ang implementasyon ng mga ito dahil lang sa kawalan ng pondo. Ilang beses na kasing nangyari ito sa mga nakaraang panahon. May batas nga, kapos naman sa pondo kaya ‘di maipatupad. Komo si Nograles din ang taga­pangulo ng House Appropriations Committee, tinitiyak­ niya na pagsisikapan ng kanyang komite na sigu­ruhing  may pondo para sa dalawang batas. P5.3 bilyon ang inilaan sa Department of Education na may kasamang P3.4 bil­yong pondo para sa supplemental feeding program ng Department of Social Welfare and Development.

Para naman sa RA 11039, pang-unang budget na P750 milyon ang inilaan na para sa taong ito. Anang Kongresista, ang mga dumarating na bagyo at ‘di inaasa­hang lindol ay madalas lumilikha ng malaking pinsala sa mga power lines. At kung hindi agad maibabalik ang kur­yente, apektado ang takbo ng kalakalan at magdurusa ang eko­nomiya.

Higit dito, ang kalusugan ng mga mamamayan sa mga apektadong lugar ay apektado rin kapag nagtagal na walang daloy ng kuryente. Ayon kay Nograles, mala­king hamon ito para sa kanya ngunit naniniwala siyang ma­ayos na maipatutupad ang dalawang batas. Huling termino na ito ni Nograles at aniya, gusto niyang matapos ang kanyang panunungkulan nang may malaking nagawa para sa bansa.

vuukle comment

KARLO NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with