^

PSN Opinyon

Isang station pa lang iyan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ITO ang patunay na kapag hawak ka ng pulis, kahit ano ang gawin o ipagawa nila sa iyo, kung hindi mahuhuli, ay gagawin nila. Na walang kala­ban-laban ang mamamayan kapag nasa loob na ng station. Sinibak na sa pwesto ang apat na pulis Makati na nakunan ng video na pinahubad at pinatuwad ang babaing inaresto dahil umano sa iligal na droga. Tila ganito ang kalakaran sa station na ito, partikular ang apat na pulis. Pati mga lalaki ay pinahubad at pinatuwad din. Baka ang ipangatwiran ay ito ang paraan para makita kung wala na talagang itinatago. Hindi nila akalain na may kumukuha pala ng video sa kanila tuwing may mga mahuhuling suspek. Kita pa sa video na nagtatawanan sila. Walang sinabi kung nakainom sila o hindi. Mabuti naman at agad silang sinibak.

Pero isang station lang ito sa libu-libong station sa buong bansa. Paano mababantayan lahat iyan? Paano masisiguro na walang mga ganitong­ klaseng paglabag sa karapatang pantao o pag­labag sa tamang protocol tuwing may nahuhuli ang mga pulis? At kung ganun din lang, paano masisiguro na lahat ng napatay sa mga operas­yon ng pulis ay totoong nanlaban?

Isang Police Senior Inspector at tatlong PO1 ang sinibak. Talagang kapag may mataas na ranggo na magpapasimuno o kukunsinti nito, susunod na lang lahat. Naganap daw ang insidente noong Marso 2017. Kasagsagan nang maraming operasyon kontra droga. Sabihin na natin na nakonsensiya na ang kumuha ng video kaya pinalutang na sa media. May iba pang mga video kaya diyan kung saan nakunan ang mga maling ginagawa o pang-aabuso ng mga pulis? Sana ipaalam na sa mga mapagkakatiwalaang otoridad, para ma­gawan na ng nararapat na aksyon.  

Nanawagan ang Gabriela sa lahat ng nakaranas ng ganitong pang-aabuso mula sa pulis, babae o lalaki, na ipaalam na sa publiko. Ito na ang pagkakataon ipaalam ang mga pinagdaanan sa kamay ng mga abusadong pulis, na sana ay aksyunan ng mga awtoridad.

vuukle comment

GABRIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with