^

PSN Opinyon

Panatag Shoal: Bakit China ang nakatanod?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MGA armadong barko ng Chinese Navy at Coast Guard ang nakatanod sa Panatag Shoal. ‘Yan sa salaysay ng mga mangingisdang Pilipino na kinikikilan ng mga nabingwit sa labas ng sirkulo ng mga bato at bahura. ‘Yan din ang sabi ng Chinese ambassador nang mangakong ipatutupad nila ang batas-kalikasan sa pook.

Tanong: bakit pumapayag ang gobyerno ng Pilipinas sa dayong hukbo sa karagatan nito?

Ang Panatag (Scarborough, Panacot, o Bajo de Masinloc) ay 123 milya mula sa pinaka-malapit na pampang ng Luzon, at mahigit 800 milya mula Hainan province, China. Sakop ito ng 200-milyang exclusive economic zone ng Pilipinas, at labas na sa 200-milyang EEZ ng China. Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea, maritime jurisdiction ‘yon ng Pilipinas. Itinaguyod ‘yon ng Permanent Court of Arbitration nu’ng Hulyo 2016.

Sinabi rin ng PCA na common o salu-salong traditional fishing ground ang Panatag ng mga Pilipino, Tsino, at Viet­namese. May karapatan silang tatlong lahi na ma­ngisda doon.

Pero dahil maritime jurisdiction ‘yon ng Pilipinas, Phi­lippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang dapat na nagpapatupad doon ng batas-kalikasan ng mundo. Hindi Philippine Navy na militar, kundi ang dalawang naturang ahensiyang sibilyan.

Samakatuwid, walang karapatan ang China magpatupad ng batas doon -- maliban lang kung hingan sila ng tulong ng Pilipinas. Ang paghingi ng naturang tulong ay dapat dumaan sa tamang proseso. Labag sa Konstitusyon pahintulutan na tumanod ang dayuhang militar sa teritoryo o hurisdiksiyon ng Pilipinas kung walang kasunduan para doon. Pipirma ang Ehekutibo sa kasunduan, at aaprubahan ng Senado.

Dapat itama ng gobyerno ang sitwasyon. Kundi’y mamimihasa ang China; magtatanod ng armadong barko sa, halimbawa, Malampaya.

vuukle comment

PANATAG SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with