^

PSN Opinyon

Delayed reaction ng DA, then what’s next?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BUKOD sa pangingisda, pagsasaka ang isa sa mga pa­ngu­nahing pangkabuhayan ng mga Pilipino. Sa katuna­yan, marami sa ating mga produkto ang ine-export sa iba’t ibang bansa dahil sa kalidad nito.

Pero sa kabila nito, marami pa rin sa mga anak ng magsasaka ang tuluyan nang nawawalan ng interes sa pagsasaka o agrikultura. Nawalan ng ganang ipagpatuloy ang hanapbuhay na sinimulan ng kanilang mga magulang. Kahit kasi anong klaseng pagsisikap, nanatili pa rin silang isang kahig, isang tuka. Kaya ‘yung iba, isinumpa at tinalikuran na ang lupa.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga tao sa probinsiya, nakikipagsiksikan at makipagsapalaran sa Maynila. ‘Yung iba nga, sa ibang bansa pa nagbabakasakali. Mas pini­piling mamasukan at utos-utusan ng iba kaysa magsaka. Matagal nang sinisigaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang patuloy na pagbaba ng enrollees sa mga kursong may kinalaman sa agrikultura. Pero ang Department of Agriculture, dedma!

Kaya ang lumalabas sila pa ang huling nakaalam na wala nang interes ang mga kabataan sa pagsasaka at agrikultura. Kung titingnan mo masyadong delayed reactions. Imbes na maging proactive, reactive ang mga kolokoy. Doon makikita na sila mismo, di nakikita ang hirap na dinaranas ng mga magsasaka. Mahirap talaga kapag puro porma lang ang pinuno ng isang departamento. Nakakalimot kung anong trabaho ang nakaatang sa kanya.

Seryoso ang usaping ito at kinakailangan ng masusing pag-aaral para masolusyunan. Dapat magkaroon ng plano ang gobyerno para mas mapaigting at mapayabong pa ang industrya ng agrikultura sa bansa. Mahirap na kung maubos ang mga magsasaka sa Pinas. Sa oras na mang­yari ‘yun, siguradong mangangalam ang ating mga sikmura.

Problema kasi, ‘yung mga nagiging pinuno ng Departmento ng Agrikultura, ‘alang matitinong proyekto. Mga putragis na trapo, ginagawang stepping stone ang puwesto para sa ambisyong maging pulitiko. Tapos ang apektado, ‘yung mga nasa pinaka-mababang estado.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with