^

PSN Opinyon

Nagpakipot pa sa P1 dagdag

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ITO naman ang nakakainis sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) parang nagpakipot pang ibigay ang P1 provisional fare hike sa mga jeepney driver.  Nakakadismaya dahil naghintay pa ng isang araw ang mga driver bago nila ipinatupad ang P9 na pamasahe.  Alam naman na uhaw ang mga driver na itaas ang pamasahe dahil ramdam nila na talo sila sa laban.  Umpisa sa langis, gasolina at ang mga piyesa ng sasakyan ay nagsitaasan na.

Para sa akin, mas maigi kung ang inaprubahan ng LTFRB ay ang hinihingi ng mga transport group na P2 dagdag.  Kung susuriin hindi naman buong araw ay buo ang pamasahe ng kanilang mga pasahero, dahil andyan pa rin ang 20% discount ng senior citizens, estudyante at PWD.  Paano kung halimbawang senior citizens at estud-yante ang naisakay sa isang biyahe ng jeepney tapos inabot pa ng traffic di naloko na, baka abonado pa sa gasolina ang kawawang driver.  Paano naman ang kanilang pamilya? Mabuti sana kung sarili nila ang ipinapasadang sasakyan.

Karamihan ng driver ay hindi pag-aari ang minamanehong sasakyan kaya may kahati pa rin sila sa kita.  Kaya huwag naman sana silang pagdamutan sa panahon ngayon. Gaano ba naman kung ibigay sa kanila ang P2 kahilingan.  Hindi naman siguro mabubutas sa halagang ito ang mga bulsa. Hindi naman sila mag-aaksaya ng kanilang mga oras upang kalampagin ang gobyerno kung hindi sila naiipit sa sitwasyon ngayon di ba?

Itong mga taga-LTFRB ay puro na lang ngawa, kulang naman sa gawa. Kung hindi pa kayo kakalampagin sa inyong opisina ay inuupuan n’yo lang ang mga trabaho.  Kung puro commuters ang pakikinggan n’yo, paano na ang drivers?  Kailangan balansehin din ang sitwasyon dahil sa totoo lang, mahirap talaga ang kinakaharap na-ting buhay sa kasalukuyan.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

PROVISIONAL FARE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with