^

PSN Opinyon

Sumbong ng maliliit na mangingisda sa Laguna Lake

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAKARATING sa amin ang sumbong ng ilang mangi­ngisda sa Laguna Lake. Ang mga pobre, inaresto na, nawalan pa ng kita. Kakarampot na isda, kinuha. Sila’y mga maliliit na tao lamang na hikahos sa buhay. Mga miyembro ng 4Ps na nakadepende sa sustento ng gob­yerno.

Kayo sa Laguna Lake Development Authority (LLDA), pati na mga pulis sa Baras, Rizal, kayo ang target ko rito. Kung nababasa n’yo ang kolum na ito, may mensahe ako sa inyo. Maaaring nagagamit na kayo ng mga malalaking negosyante’t korporasyon.

Ang batas ay ginawa ‘di para pahirapan ang mga mahihirap at magkaroon ng inhustisya. The way I see it, walang nilabag ang mga mangingisda. Bakit n’yo hinuli? Nandoon lang sila sa lawa, nanghuhuli gamit ang lambat. Naghahanapbuhay para may maipakain sa pamilya. Wala silang ginawang ilegal sa paghuli ng isda.

Hulihin n’yo kung sakaling sila’y nagnanakaw at naninira. Doon kayo magpakitang gilas. Intiende?  

Ano bang pinoprotektahan ninyo, LLDA? Ang mga malalaking fish pens at ekta-ektaryang fish cages?

Di na bago sa BITAG ang mga nagaganap sa Laguna Lake. Kayo PNP Baras o kung sinumang nasa lokal na pamahalaan – kayong mga mayor, mga kasapakat ba kayo ng mga naglalakihang negosyo sa Laguna Lake? Na­bubuhay na lang ba kayo sa mga permit ng mga malala­king negosyo? Sana makaabot ito sa inyo.

Plain and simple. Kagaguhan ang ginawa n’yo. Bakit ninyo inaresto? Kung may mga awa kayo, hindi makaka­abot sa amin ito. 

Kami na mismo ang umaapela, gobyerno kayo. Take it easy dito sa mga maliliit na mangingisda.

vuukle comment

BAHALA SI BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with