^

PSN Opinyon

Ang Pangulo’y para sa lahat

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAHIT anong relihiyon ang kinabibilangan mo, kapag ikaw ay naging Presidente ng bansa, ikaw ay “ama” ng lahat ng tao, ano man ang relihiyon nila. Kung Kristiyano ka at naging­ Pangulo, pinamumunuan mo ang mga Kato­liko, Protestante, Muslim, Buddhist at iba pa, pati na ang mga hindi naniniwala sa Diyos. Hindi dapat magkaroon ng bias at diskriminasyon.

Dahil dito, hindi marapat insultuhin ang ano mang relihiyon dahil tatamaan mo pati yung mga kasapi nito na dapat mong pagsilbihan bilang leader. Sensitibo palibhasa ang usapin sa relihiyon.

Kagaya na lamang ng ipinalabas na intelligence report­ na may sabwatan umano ang Simbahang Katoliko at ang Communist Party of the Philippines para patalsikin si Presidente Duterte. Ano ang magiging damdamin ng mga Katoliko na masugid na sumusuporta sa Pangulo dahil pati sila’y nakakaladkad sa sinasabing plano, totoo man ito o hindi.

Dahil dito, nilinaw ni Presidential Spokesman Harry­ Roque na ilang miyembro ng Simbahang Katolika lamang­ ang tinu­koy na nakikipagsabwatan sa Communist Party of the Phi­lip­pines-New People’s Army (CPP-NPA).

Hindi ko masisisi si Roque. Trabaho niya na mag-trouble­shoot kapag nalalagay sa kontrobersyal na katayuan ang Pangulo. Ngunit ang ganitong mga impormasyon, totoo man o hindi ay dapat pag-isipan muna nang isandaang beses­ bago ilantad dahil may kaakibat na negatibong epekto sa magiging reaksyon ng mamamayan. Nahahati kasi ang bansa sa tuwing nagkakaroon ng mga pagtuligsa sa isang leader.

Katulad din niyan ng pagsasabi ng Pangulo na “estupido ang Diyos.” Kahit sabihin pang Diyos ng mga Katoliko ang pina­tatamaan, lahat ng sektang Kristiyano ay bumatikos nang matindi sa Pangulo, bagay na sinagot naman ng mga supporters ng Pangulo na sa dakong huli’y nauwi sa palitan ng mga masasamang salita.

vuukle comment

PEACE TALKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with