^

PSN Opinyon

Youth suicide naglulubha

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TILA nagiging world trend ang pagpapatiwakal ng mga kaba­taan sa modernong panahon. Palibhasa’y maraming dahilan para dumanas ng depresyon ang mga kabataan. Sui­cide is a sign of mental illness. Sa ating bansa lang ay tumataas ang bilang ng mga kabataang nagsu-suicide.

Kaya katig tayo sa pahayag ni Rep. Karlo Nograles na paigtingin ng pamahalaan ang mga programa sa panga­nga­laga sa kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan.

Kasi, makakamit lamang ng mga kabataan ang kanilang full potential kung maseseguro ng pamahalaan hindi lamang ang kanilang physical wellbeing kundi pati kalusugan ng kaisipan.

Talaga namang nakababahala ang lumolobong bilang ng mga kabataang nagpapatiwakal. At ito ay isang trend na dapat mapigil agad. 

Nilagdaan na upang maging batas ni Presidente Duterte sa Mental Health Act at sa pamamagitan nito’y magkakaroon ng batayan sa pagkilos ang mga school officials para panga­lagaan ang mental health ng ating mga kabataan.

Ipinaliwanag ni Nograles na ang Department of Education, ang Commission on Higher Education at ang Department of Health ay dapat magkakatuwang na bumuo ng programa para mapigil at manatiling malusog ang isip ng mga kabataan.

Hindi lang iyan. Pati mga Local government units at ang Department of Social Welfare and Development ay may mahalagang papel na gagampanan dito.

Karaniwang dumaranas ng depresyon ang mga kaba­taan na sa dakong huli’y nauuwi sa pagpapakamatay. Ang dahilan, naririyan ang pambu-bully ng mga kamag-aral, kahirapan, bumababang grado at isama na natin diyan ang droga.

Payo ni Nograles, palakasin ang guidance counseling programs ng lahat ng paaralang pribado at publiko.

vuukle comment

WORLD TREND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with