^

PSN Opinyon

Mahihinang sakdal, iiwanan ng paalis na Ombudsman

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SADYANG mahihina ang pagsakdal ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa mga katiwalian noong administrasyong Aquino. ‘Yan ang puna ng mga naghabla. Pa-retiro na si Morales sa Hulyo 26.

Halimbawa, sa P3.8-bilyong MRT-3 maintenance contract: 17 ang sakdal, kabilang si dating Transport Sec. Joseph Abaya, undersecretaries Edwin Lopez, Rene Limcaoco, at Catherine Jennifer Frances Gonzales, ex-general manager Roman Buenafe, at mga pribadong kasosyo sa Busan Universal Rail Inc. na Eldonn Ferdinand Uy, Elpidio Uy, Elizabeth Velasco, Brian Velasco, Belinda Tan, Antonio Borromeo, at Jun Ho Hwang. Pero wala ang mga umano’y may kontrol sa BURI, anang ilang mambabatas: sina mana­ging director Eugene Rapanut, Marlo dela Cruz, at manager na Wilfredo dela Cruz Jr. Kung nasakdal umano ang tatlo, na pawang opisyales ng noo’y-naghaharing Liberal Party, sabit na rin si naunang transport chief na Mar Roxas, dating LP president at presidential standard bearer.

Sa pagsakdal kina dating Presidente Noynoy Aquino at Budget secretary Florencio Abad para sa P70-bilyong Development Acceleration program: Dismayado ang mga nagsampa ng kaso ng graft and corruption sa bagong klase ng congressional pork barrel na ipinatupad nu’ng 2012. Dineklara mismo ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang DAP. Pero ang sakdal sa kanila ni Carpio-Morales ay simpleng usurpation of legislative functions lang. Naghihinala sila na nilambotan ang sakdal para mada­ling makalusot si Aquino, na nagtalaga kay Carpio-Morales bilang Ombudsman nu’ng 2011. Hindi madaling patigasin ang kaso: maaring humirit si Aquino sa korte ng double jeo­pardy, o dalawang ulit na pagsakdal, na labag sa karapatan niya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CONCHITA CARPIO-MORALES

MRT-3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with