^

PSN Opinyon

Mahinahon

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAPAKA-KALMADO ni Catholic Bishops Conference of the Philippines president and Davao Archbishop Romulo Valles sa kanyang mensahe kahapon sa pagdiriwang ng anibersaryo ng dedication ng Davao Metropolitan Cathedral na ngayon ay tinatawag nang San Pedro Cathedral.

At ang mensahe ni Archbishop Valles ay nataon din sa kasalukuyang kontrobersiya hinggil sa “stupid god” remarks ni President Duterte na naging laman ng mainit na debate ng iba’t ibang grupo.

Habang ang mga opposition na pulitiko, mga kritiko at maging ibang religious leaders ng ibang sekta ay pinu­puna ang Presidente at gusto pa nga nila itong mag-apologize sa nasabing “god”.

Naging mainit na nga ang isyung “stupid god” remark ni Duterte na kung saan patuloy niyang ginigiit na hinding-hindi siya mag-aapologize kahit kanino sa kanyang remarks. 

At sa kabila ng lahat ng gulong ito ay nandun naman si Valles na mahinahong hinimok ang mananampalataya sa Catholic Church na huwag mawalan ng tiwala (faith) sa Diyos sa gitna ng mga naglalabasang komento.

Muling pinaalalahanan ng Archbishop ang mga Katoliko tungkol sa Sakramentong dala ng pagtitiwala sa Diyos. 

Ngunit ni minsan hindi binanggit ni Valles si President Duterte sa kanyang dalawang mensahe kahapon. 

Kalmado at mahinahon ang Archbishop na umaasang maaayos din ang kaguluhang ito dahil nga sa pagtitiwala sa Diyos. 

vuukle comment

CBCP PRESIDENT AT DAVAO ARCHBISHOP ROMULO VALLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with