^

PSN Opinyon

Dugo ng bakla ayaw tanggapin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KULANG na kulang ang 112 milyong donasyon ng dugo taun-taon sa mundo. Mahigit 90% ng mga puwede ay hindi nagdo-donate; umaasa ang mga ospital at pasyente sa kokonting regular na nagbibigay; ang dali pa naman mapanis ng dugo. Miski may shortage, maraming hindi tinatanggapan na dugo. Ayaw ng mga ospital ng dugo na may peligrosong sakit, tulad ng HIV at viral hepatitis. Alis din ang mga adik na nagtuturok at sex workers. At mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay bawal mag-donate sa mauunlad na bansa tulad ng Austria, Denmark, at Greece. Sa ibang bansa, dapat huwag makipagtalik ang bakla nang tatlong buwan hanggang limang taon bago mag-donate.

Naghigpit ang mundo sa blood donations mula sa mga lalaking bisexual dahil sa AIDS epidemic nu’ng dekada-’80. Mahina pa ang tests noon kung may virus ang donasyong dugo; sa America pa lang 20,000 transfusions ang nauwi sa HIV infections. Kaya binawal mag-donate ang mga high-risk -- mga lalaki sa lalaki at mga babaeng partners nila, miski ba protektado ng condom o hindi nakipagtalik nang maraming taon.

Bagamat totoo na mas malamang ang mga bakla kaysa karamihan na magka-viral infection sa dugo, anang The Economist, wala namang siyentipikong batayan ngayon para sa pangkalahatang pagbawal sa blood donations nila. Diskriminasyon ang gan’ung patakaran, anang mga grupong LGBT. Ang tsansa ng kontaminasyon ng dugo ay pinababa na ng teknolohiya na nagsasala ng dugo bago transfusion. Natutuklasan na ng mga bagong tests ang HIV sa loob ng isang buwan mula impeksiyon. Samantala, masaklap, ang mga heterosexuals na marumi ang pagtatalik ay hindi nasasala. At hindi naman mahigpit na naipapatupad ang pagbawal sa mga nagtuturok na adik: sa Britain 11% ng mga gan’ung adik at mga lalaki sa lalaki ay nakalusot sa donasyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

AIDS EPIDEMIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with