^

PSN Opinyon

Relihiyon walang kinalaman sa kahirapan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA mga palitang-opinyon sa social media tungkol pa rin sa “stupid god” statement ni Presidente Duterte may mga umaayon sa ginawa niya. Kasi raw, kahit ang Pili­pinas ay “Katolikong bansa” nananatili itong mahirap katu­lad nang maraming Catholic countries sa mundo. Batayan daw ito kaya itinuturing na “stupid” ng Pangulo ang Diyos.

Sa ganang akin, walang kinalaman ang Katolisismo o kahit anong relihiyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil ang pagiging matuwid ng sino mang tao ay hindi nakasalalay sa alin mang relihiyon kundi sa wastong relasyon sa Panginoong Diyos. Ibig kong suriin natin ang situwasyon sa praktikal na anggulo.

Kung may wastong relasyon sa Diyos, wala nang ko­rap­­syon, gulangan at lamangan at magkakaroon ng ka­ayusan sa ating lipunan. Kahit ano man relihiyon ang sapian mo pero wala kang transpormasyon o pagbabago­ dulot ng tamang relasyon sa Diyos mananatili ang korap­­syon­ na puno’t-dulo ng kahirapan.

Huwag magagalit ang tamaan pero may mga Katoliko, Protestante, Muslim at iba pa na kasapi ng ibang relihiyon ang corrupt to the bones. Kasi ang relihiyon nila ay isa lamang “tatak” na walang kabuluhan dahil hindi ipinamumuhay ang Aral ng Diyos.

Marahil, ang sasabihin ko’y palasak na kasabihang Kris­tiyano pero uulitin ko dahil pinaniniwalaan ko. Hindi reli­hiyon kundi relasyon sa Diyos ang tunay na makapagpapabago sa tao. Hindi natin kayang maging mabuti kahit magsikap tayo at tanging ang pagsisisi lamang natin at pagtanggap kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ang magbibigay sa atin ng kakayahan upang maging matuwid at mabuti.

Wika nga ni Apostol Pablo sa Romans 7:14, hindi niya magawa ang mabuting dapat gawin at ang nagagawa niya ay yung masamang hindi dapat gawin dahil sa kanyang kalikasang makasalanan. Pero dugtong niya sa dakong huli ng pahayag, tanging si JesuCristo lang ang makapag­liligtas sa kanya sa ganoong situwasyon. 

vuukle comment

CATHOLIC COUNTRIES

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with