^

PSN Opinyon

Kadamay, nasupalpal

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG itong mga miyembro ng Kadamay ay masa­­sabi kong mga sakim o ganid. Puro pakabig ang gusto.  Sino ba sila?  Aba’y imbes na pagwewelga ang atupagin n’yo magbanat kayo ng buto upang makapagpundar naman kayo ng sarili n’yong mga bahay.  Hindi ‘yung nang-aagaw kayo ng hindi ninyo pag-aari. Mga kawatan kayo.  Itong mga Kadamay na ito ay salot sa lipunan kaya dapat ang ginawa ni Digong noong sumugod ulit sila sa mga bakanteng pabahay sa Rodriguez, Rizal ay nagpadala na ng bazooka.  Ito na sana ang tamang pagkakataon na patikimin ang mga miyembro ng Kada­may na hindi nila malilimutang parusa upang sila ay magtanda.

Pinagbigyan na sila minsan. Sana’y hindi na sila umulit na sumugod sa mga bakanteng pabahay ng gobyerno. Dahil ang mga inaagaw nilang mga bahay ay ipinagawa para sa mga pulis at sundalo. Meron naman para sa kanila kaya lang ang ginagawa ay ibinebenta o kaya naman ay pinarerentahan. Tapos ang gagawin sasama sa mga welga at muling papasukin ang mga bakanteng pabahay ng gobyerno. Sobra naman na ang gawain ng mga Kadamay. Hindi ako nagkamali ng iniisip, mga miyembro ‘yan ng mga makakaliwa. Hindi maglalakas ng loob na pumarada iyan sa lansangan upang magwelga kung walang mga makapangyarihang sumusuporta sa kanila. At saan naman sila kukuha ng pondo? Di ba?

Ilang ulit man ibigay sa mga Kadamay ang kanilang mga kahilingan ay parang balewala lang ito para sa kanila. Lalabas pa rin ang mga iyan upang magwelga. Mamantikaan lang ng kaunti ang mga bibig ng mga iyan ay nakalimutan na nila ang mga tulong na binigay ng gobyerno sa kanila. Tama, kailangan na ng kamay na bakal upang masawata ang masamang hangarin ng mga Kadamay.

vuukle comment

KADAMAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with