^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Umaabuso na ang Kadamay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Umaabuso na  ang Kadamay

MARSO 2017 nang unang magpakita ng pangil­ ang mga miyembro ng Kadamay. Mahigit 2,000 miyembro ang sumugod sa mga hindi pa natatapos­ na housing units sa Pandi, Bulacan. Ang mga housing­ units ay nakalaan para sa mga pulis at sundalo. Ayon sa National Housing Authority (NHA) may mga may-ari na ang mga unit at kinukumpleto lamang ang mga papeles. Naka-award na ang mga ito.

Pero ang katwiran ng Kadamay, nakatiwangwang lamang ang mga bahay at matagal nang walang guma­gawa sa mga ito kaya nila inokupahan. Alam nilang hindi pa tapos ang mga ito. Wala ritong tubig at kuryente. Pero sabi nila, okey lang daw. Kaya raw nilang magtiis basta ang mahalaga ay mayroon silang sariling bahay. Ang kailangan daw nila ay bahay na masisilungan. Matagal na raw nilang hinihi­ling sa gobyerno na bigyan sila ng bahay pero hindi sila pinakikinggan. Kaya kaysa raw mabulok ang mga bahay, ookupahan nila ang mga ito.

Nilusob nga nila at nagkanya-kanyang okupa sa housing units. Nilagyan na nila ng pangalan. Mayroon na silang dalang mga kaldero, pinggan, kutsara at iba pang gamit. Ang iba, nilagyan na ng kurtina ang mga bahay nilang pinili.

Nagtagumpay ang Kadamay sapagkat kinampihan sila ni President Duterte. Iniutos ni Duterte na ipagkaloob na sa Kadamay ang mga unit at bibigyan na lang nang mas malaki ang mga pulis at sundalo.

Ang pagkampi ni Duterte ang nagpatapang sa Kadamay sapagkat kamakalawa, nilusob na naman nila ang mga housing units sa Rodriguez, Rizal. Nakatiwangwang daw ang mga unit at nabubulok na. Kaya para raw hindi masayang, aangkinin na nila. Kailangan daw nila nang masisilungan. Karapatan daw nila iyon.

Minsan, sinabi ni Duterte na kapag nagtangka pa ang mga Kadamay na mang-agaw ng mga bahay, iba-bazooka niya. Hindi raw siya nagbibiro. Bakit hindi gawin ngayon na nang-agaw na naman ang mga miyembro ng Kadamay.

Hanggang hindi nakakatikim ng kamay na bakal ang grupong ito, patuloy silang mang-aagaw ng bahay. Dapat turuan sila ng leksiyon. Dapat nilang ma­laman na hindi tama ang ginagawa nilang paraan para magkaroon ng sariling tirahan. Magsikap silang magkaroon ng sarili at hindi dapat mang-agaw.

vuukle comment

KADAMAY

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with