^

PSN Opinyon

Trabahong kalabaw vs. illegal drugs

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TRABAHONG ala - kalabaw ang dapat operasyon ng pulisya ngayon laban sa droga dahil ayaw siempre na  mapahiya ng pamunuan ng PNP kay Boss Digong dahil ito ang ‘prioridad’ ng huli na huwag tantanan ang illegal drugs sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, puksain ito!

Kaya naman halos luhaan ang mga station commander nang masibak sila sa puesto gaya ng nangyari sa makopa este mali ­MIMAROPA region pala, na 24 PNP officials ang sinibak kasi ‘mahina’ sila pagdating sa kampana este kampanya laban sa illegal drugs.

Iba talaga si CPNP Oscar Albayalde sa posisyon nito na labanan ng todo ang kampanya kontra droga.

Bakit?

Sinusunod niya ang tagubilin ni Boss Digong na huwag lubayan ang mga illegal drugs sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, wasakin ito lahat!

Kung tutuusin ang nangyari sa MIMAROPA region ay nakakahiya sa mga pulis na sinibak sa tungkulin dahil hindi maalis sa isipan ng madlang people na iniisnab nila ang utos ni Boss Digong sa kanila na basagin lahat ang operasyon ng illegal drugs sa kanilang mga area of responsibilities.

Ika nga, sugpuin ito sa lalong madaling panahon!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nangyari ay mukhang nagpakaang-kaang ang mga chiefs of police na tinanggal sa kanilang mga puesto.

Buti nga

Sa pangyayaring ito, ang mga sinipang mga chiefs of police ay from Marinduque 1, Romblon 5, Palawan 8, Oriental at Occidental Mindoro, Puerto Princesa City 1, ito ay sa rekomendasyon ng oversight committee sa Regional Director ng nasabing rehiyon ang pagtanggal sa mga pulis na umano’y ‘patulog-tulog’ sa kanilang illegal drugs campaign.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pinakamaraming hepe ng pulisya na sinibak sa MIMAROPA region ay mula sa Palawan, Occidental Mindoro at Romblon.

Ang nangyaring sibakan blues ay maaring mangyari sa iba’t-ibang region oras na mabalitaan na ‘patulog-tulog’ sila at pakaang-kaang sa kampanya ng illegal drugs.

Abangan.

* * *

Tumbang preso sa NAIA

INILIPAT ng lugar ng mga illegal recruiters ang mga batang babaeng pinangakuan nilang magtrabaho sa Gitnang Silangan kaya mula sa NAIA Terminal 1 ay dinala nila ang operasyon nila sa NAIA Terminal 3 para doon palusutin.

Sabi nga, parang nakikipaglaro ng tumbang preso ang mga sindikato sa mga immigration officers sa NAIA, dala ang kanilang na-recruit palipat-lipat ng terminal ang mga ito para mailabas ang kanilang produkto. Hehehe!

Ini-report ni Danieve Binsol, NAIA terminal 2 head supervisor kay OIC Associate Commisioner at con-current BI port operations chief Marc Red Marinas, ang bagong modus operandi nang mga illegal recruiters sa paliparan.

Anong nangyari?

‘Ayon huli ang tatlo sa mga batang bebot na palusot nila kaya pinigilan na hindi ito makakaalis,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ikinuento ni Danieve Binsol, BI TCEU terminal 3 head, na ginagawang mukhang matanda ang edad sa passports ng mga bebot na gustong palusutin ng mga sindikato para mabigyan ito ng exit clearance ng BI at makaalis ng Philippines my Philippines.

Ipinarating ni Binsol kay Marinas, ang bagong modus ng mga sindikato ng illegal recruiters.

Sabi ni Binsol, noong mga nakaraang linggo, 20 batang bebot na pinatanda ng mga sindikato ang pinigilan nilang makaalis sa NAIA Terminal 1 na papuntang Gitnang Silangan.

‘Palusot nila na mga domestic helper ang kanilang trabaho doon pero kung titingnan mo ang kanilang mga mukha ay mas bata sila kaysa sa edad na nakalagay sa kanilang mga passports at iba pang mga dalang dokumento,’ banat ni Danieve.

Hindi na natin papangalanan pa ang mga bebot na pinigilan, makaalis ng Philippines my Philippnes sa NAIA Terminal 3, para na rin sa proteksyon at seguridad nila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinangakuan sila ng malaking halaga ng kanilang employer basta makapasok sila sa Gitnang Silangan at kung ano ang gusto nilang trabaho o gawin dito.

Inilipat ng BI sa kay Atty. Sammy Dimaano, hepe ng NAIA - NBI, ang mga bebot para sa malalimang imbestigasyon at maituro kung sino ang mga recruiters nila.

Abangan.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

­MIMAROPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with