^

PSN Opinyon

Malaya?

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

HINARAP ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga demonstrador sa labas ng Batasan matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) itong Hulyo ng nakaraang taon. Ang kanyang hindi inaasahang pagakyat sa entablado ng raliyista ay bangungot para sa kanyang security. Subalit ano man ang peligro ng kanyang biglaang desisyon, naging higit na matimbang para sa kanya ang pagkakataong makausap ng diretso ang mga may hinaing sa gobyerno. Hindi rin maikakaila na tagumpay din ito para sa kanyang public relations. Sobrang tapang naman talaga ni PRRD.

Kahapon ay may enkuwentro muli ang Pangulo sa mga raliyista. Sa kanyang talumpati sa okasyon ng ating araw ng kalayaan, mismong sa Kawit, Cavite, bigla siyang pinagsisigawan ng ilang mga batang may mensaheng pulitikal. Malinaw na ikinagulat ito ng mga security at, matapos ang ilang sandali, agad ipinalabas ng mga kapulisan at PSG ang mga bata.

 Hindi ito naging balakid sa pagpatuloy ng okasyon. Si PRRD nga ay ni hindi naapektuhan ng komosyon. Nakuha pa niyang sabihin na wala siyang galit sa mga demons­trador na pinaiiral lamang ang kanilang karapatang ipahayag ang damdamin.

 Maraming humanga sa ganitong reaksyon ng Pangulo. Naalala tuloy ang kanyang walang takot na pakilahok ito ngang nakaraang taon sa entablado ng mga raliyista, na tinatayang higit 15,000 ang nandoon. Ibahin niyo si PRRD.

Subalit hindi pa natatapos ang araw ay sinabi na ng Cavite police na kanilang kakasuhan ang lider ng mga bata ng “disturbing the peace”, isang lumang probisyon ng Kodigo Penal. Ipinaalala ng hakbang na ito ang ginawa ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga istudyanteng nangahas ding manggulo sa isang talumpati niya noon. Walang pakundangan itong pinaaresto imbes na pabayaan na lang sa kanilang pagpapahayag.

Akala pa naman ng marami ay kakaiba talaga si PRRD, na hindi ito balat sibuyas gaya ng ibang Presidente. Ano pa ang pinagkaiba kung ganoon din ang gagawin? Sayang at sa araw pa man din ng kalayaan lumabas ang tunay ng estado ng kalayaan ng mga nais magpahiwatig ng damdamin.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with