^

PSN Opinyon

Baha at basura pakner in crime

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SA lakas ng ulan sa Metro - Manila the other day nagbaha rito at hindi basta baha kundi malalim na baha.

Bakit?

Terible ang basura nagbara ang mga daanan ng tubig kasi naipon, barado kaya grabe ang baha.

Paano kaya masosolusyunan ang baha sa Metro - Manila?

Sagot - mahirap solusyunan dahil maraming owners nang mga gusali ang nangamkam kaya nasira at nagbara ang mga daluyan ng mga tubig.

Sabi nga, nag-encroach sila!

Dumami ang informal settlers o squatters sa mga mabababang lugar, tabing ilog echetera,  sila ang hindi maawat sa pagtatapon ng mga basura.

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, surrender ang MMDA pagdating sa problema ng basura dahil hindi nila kayang solusyunan ang mga bagay na ito.

Oh, pustahan!

Mapapahiya lamang ang MMDA dito!

Sagot - dahil sa kawalan ng disiplina ng madlang people.

Ika nga, sayang lang ang pera.

Malaking pondo o salapi ang nauubos sa paglilinis ng mga basura sa mga imburnal, canal, ilog, Manila Bay at iba pa kaya nanghihinayang ang madlang people sa gastos na nangyayari.

Bakit hindi dagdagan ang mga classrooms at eskuelahan ang pondong salapi na lamang dito ang gamitin?

Dapat bigyan pansin ito ni Boss Digong hindi lang ang illegal drugs ang itulak niya para masugpo kundi pati ang basura dahil baka pagdating ng araw ay wala nang madaanan ang madlang people o malakaran, kundi puro basura na lamang.

Sabi nga, itigil na ang proyektong linis basura?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dapat linisin ang mga nagmistulang kabuteng informal settlers sa mga lugar na inakupahan nito partikular ang mga malapit sa ilog at karagatan.

Isa sila sa dahilan kung bakit dumarami ang basura at dahilan ng pagbara sa mga waterways.

Sabi nga, walang disiplina!

Ano ang mainam?

Mas mabuting ilipat sila ng lugar na hindi tabing ilog o dagat ilagay sila sa maayos na pabahay, may malinis na supply ng tubig at turuan nang leksyon kung paano ang tamang pagtatapon ng basura nila.

Hindi iyong kung saan-saan nila ito iniiwan, tinatapos, binabato o hinahagis?

Sakaling naalis sila sa dati nilang tinitirhan siguruhin hindi na sila makakabalik pa.

Sabi nga, kailangan lang ang political will!

Saya lang ang pera ng madlang people kung ganito taun-taon ang nangyayari sa mga lugar na bahain dahil sa rami ng basura nakukuha kaya nagbabara ang mga daluyan ng tubig.

Ang mga gusali o establishments na binigyan ng permit para mai-tayo ito noon ang isa pang dapat maimbestigahan dahil may mga nag-encroach. Dapat silang pagmultahin o parusa sa gobierno?

May mapping ang Metro - Manila, makikita rito kung sino ang mga lumabag sa pagpapatayo ng kanilang mga establishments.

Paano ngayon ito?

Sino ang dapat sisihin?

Sagot - ang nilagyan!

Abangan.

vuukle comment

BAHA

BASURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with