^

PSN Opinyon

Divorce, malapit nang maging Legal

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA nakikita ko ay magiging legal na ang divorce dito sa ating bansa. Mas maraming Pinoy ang pumapabor sa divorce mapa-lalaki man o babae, para sa akin kung hindi na magkasundo ang mag-asawa ay maghiwalay na lang. Natural ang unang maapektuhan ay ang kanilang mga anak pero sa una lang ‘yan masasanay din sila.  Sa napapanood nating patalastas ng isang brand ng gatas, makikita rito na kahit hiwalay ang mga magulang ng bata ay pareho pa rin nilang nakakapiling ang kanilang anak.

Kahit pabor ako sa divorce ayaw kong makipaghiwalay sa aking asawa.  Kahit hindi kami magkasundo sa maraming bagay ay sisiguraduhin kong hindi kami aabot sa hiwalayan. Una, sagrado ang kasal para sa amin. Nagsumpaan kami sa harap ng pari na habambuhay magsasama kami sa hirap at ginhawa at iyan ay aking pangangatawanan habang ako’y nabubuhay.  Ang pag-aaway ng mag-asawa ay natural lang iyan. Habang kayang isalba ang relasyon ay huwag ipaabot sa divorce o annulment, kasi kapag nakakuha ulit ng panibagong karelasyon baka mas masahol pa ang ugali sa una.

May mga mag-asawa naman na hindi na talaga magkasundo, kaysa araw-araw ang pag-aaway at nakikita po ito ng kanilang mga anak at kung minsan ay umaabot pa sa pisikal ay ibang istorya na yan.  Sila yung dapat nang maghiwalay ng landas dahil baka umabot pa ‘yan sa patayan.  Kadalasan ang mga anak natin ang nagdadala ng problema  at dito na sila napapasabak sa iba’t ibang gawain.  Kumakapit sa droga upang makalimot sa problemang dinadala.

Dadaan pa sa butas ng karayom bago ito maging isang batas dahil nandiyan pa ang Senado.  Si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagpupursiging maisabatas dahil siya ang unang makikinabang.  Dahil alam naman nating lahat na hindi na sila nagkakaintindihan ng kanyang asawa.

vuukle comment

DIVORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with