^

PSN Opinyon

Nagsimulang popular, sa huli kinasuklaman

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KALUPITAN, katiwalian, at kapusukan ang namayani sa Roma ni Nero, huling emperador ng Julio-Claudian dynasty. Pag-upo sa trono sa edad-16, taon 54 AD, pinapatay niya ang mga ibinulong ng inang si Agrippina na kaagaw niya. Mahilig siya sa babae, at apat na beses nag-asawa: kina Claudia Octavia (nakakatandang kinakapatid), Poppaea Sa­bina, Statilia Messalina, at Sporus. Kataka-taka ang ulat ng mga sinaunang historians Tacitus, Suetonius, at Cassius Dio, nagpakasal din si Nero sa isang lalaki, si Pythagoras. Nu’ng unang limang taon sa trono, sunud-sunoran siya sa ina, pero kinalaunan ay itinakwil at pinapatay niya ito.

Galit ang mayayaman at malalayang Romano kay Nero dahil sa taas ng buwis na ipinataw niya. Magagastos kasi ang mga pinagawa niyang mga kalsada at tulay, palibhasa kinukupitan ng pondo. Popular naman siya sa mahihirap dahil hindi niya sila binubuwisan. Sa halip, ginagastahan pa niya ang mga nasasalanta ng lindol, landslide, at sabog-bulkan. Mahilig siyang magtalumpati, umawit sa publiko, gumanap sa mga dula, at mangarera ng chariot. Kinala­u­nan, kinasuklaman siya ng lahat. Pinasunog niya kasi ang malaking bahagi ng Roma, at tumutugtog pa ng lira habang marami ang namamatay, nasusugatan, at nagsisilikas. Natuklasan ang sikretong plano niya na magtayo sa pinasunog na distrito ng bagong palasyo na paglalaruan, pagsusugalan, at pag­papakitaan ng karangyaan.

Bilang pagtatakip, ibinintang niya ang krimen sa mga Kristiyano. Ipinatugis niya sila sa mga sundalo’t loyalista, ipinapako sa krus, o ipinalapa sa mga leon sa Coliseum.

Suportado si Nero nu’ng una ng Praetorian Guard. Mga piling sundalo ito, bantay ng emperador, mga senador, at gobernador ng mga probinsiya. Pero sinentensiyahan nila siya ng kamatayan dahil sa mga abuso.Imbis na magpa­bihag sa kanila, uminom siya ng lason, edad 30, nu’ng Hunyo 9, taon 68 AD (anibersaryo bukas).

vuukle comment

POLITICAL DYNASTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with