^

PSN Opinyon

Walang tigil ang taas presyo

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAAWA naman tayong lahat dito sa bansa, binubugbog tayo ng taas presyo ng ating mga panguna-hing pangangailangan mula sa langis, pagkain at mga bayarin. Kung halimbawang ordinaryong manggagawa at meron itong kakarampot na suweldo hindi malaman kung paano pagkakasyahin ang kita lalung-lalo na kung nakatira dito sa Maynila na halos lahat ay kailangang bilhin at magrerenta pa  ng kanilang tirahan.

Kapag gasolina ang tumaas asahan natin sunud-sunod na tataas ang bilihin dahil halos lahat ay ginagamitan na ng gasolina. Maliban sa Middle East may puwede naman tayong ibang bansang pag-angkatan ng langis tulad ng dalawang super power na bansa ang US at Russia. Pero huwag tayong umasa sa US dahil may mga kompanya sa kanila ng langis na sa Middle East din kumukuha. Oo nga’t nakakakuha sila ng emergency oil pero hindi sapat upang ibahagi sa atin dahil baka sa kanila pa lang ay kapos na.

Sobrang taas ng presyo ng langis ngayon at mara-ming nagsasabi tataas pa raw yan sa susunod na mga araw. Ninety nine percent na ginagamit nating langis ay imported. Kaya hindi tayo puwedeng hindi umangkat sa kanila kahit mataas ang presyo ay pikit mata na lang nating namnamin ang walang tigil na pagtaas. Hindi rin natin pwedeng sisihin ang mga negosyante kung magtaas man sila ng presyo siyempre mataas din ang kuha nila ng kanilang mga kalakal plus mo pa ang transportasyon.

Para sa akin ang magagawa na lang natin ay doblehin ang pagtitipid. Badyetin sa tama ang kita iwasan na ang mga extra at katulad ng sinabi ko noon pa kailangan ding makontrol ang traffic sa bansa, malakas kumain ng gasolina ang mga sasakyan kapag naipit ka sa traffic. Maganda ang ginagawa ng MMDA ngayon pinaluluwag nila ang mga kalsada ng sa ganun ay maiwasan ang traffic.

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with