^

PSN Opinyon

Parking pa rin

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MAGING si President Duterte nga ay napansin na rin kung paanong ginagawang malawak na parking space ng mga malalaking trucks gaya ng six or eight-wheelers ang Diversion Road dito sa Davao City.

Kaya noong Huwebes ay mahigpit na ipinagbawal na ng Presidente ang nasabing kaugalian ng mga truck drivers na pumarada nga sa highways kahit  nga sa may JP Laurel Avenue hanggang sa may northern part ng siyudad. 

Sinabi ng Presidente na parang balewala na rin ang kung ano mang improvement na gagawin sa mga major roads dito kung patuloy itong ginagawang parking space ng mga trucks na may gagawin sa mga private ports o pantalan nga rito. 

Ang daming mga produktong dumarating at lumalabas dito sa Davao City. At karamihan sa lumalabas ay ang mga agricultural products na nanggagaling pa sa mga karatig lalawigan na kung saan naroroon ang mga plantations ng mga pangunahing produkto ng rehiyon.

Ngunit binaybay ko noong isang gabi ang diversion road at tila naroon pa rin yata yung mga sinasabing big trucks na pumaparada sa daan.

May instruction na ang Presidente sa mga kinauukulan at sana naman ay tuparin na ng mga awtoridad ang panukalang bawal na ngang gawing parking lot ang daan. 

Bigyan ko ng may isa o dalawang linggo ito at sana ay wala nang makikitang mga naglalakihang cargo trucks na nakahilera sa diversion road.

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with