^

PSN Opinyon

Sumisira sa imahe ng PNP

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

WE serve and protect. ‘Yan ang motto ng Philippine National Police o PNP. Ang protektahan ang sambayanan at magbigay serbisyo sa mga mamamayan.

Pero paano ka pa magtitiwala sa mga pulis kung ang ilan sa kanila ay hindi tapat sa kanilang serbisyo at ang iba ay abusado?

Gaya na lamang ng reklamong inilapit sa Kilos Pronto Online noong nakaraang linggo. Ang inireklamo, pulis mismo! Kuwento ng magbabarkadang menor de edad, papauwi na sila nang masalubong ang pulis na si PO1 Redimer Bersales.

Wala naman daw sanang problema, pero nagulat sila nang biglang maghuramentado ang lespu. Binunot ang baril sabay nanutok sa mga tao. Sa takot ng magkaka­ibigan, agad silang nagtakbuhan papalayo.

Malas namang inabutan ni PO1 ang isa sa magkaka­ibigan. Sapilitang isinakay sa motor at binitbit sa isang tulay. Matapos hatawin ng baril sa ulo, bugbog sarado ang binatilyo. Pilit pa itong pinatatalon sa tulay dahil salot daw siya sa lipunan. Tarantadong ‘to, pati bata pinatulan!

Mabuti na lamang napadaan ang isang sundalo at sinita ang katarantaduhang ginagawa ng lespu. Si PO1 nabahag ang buntot sabay humarurot ng takbo! Malamang naihi at naipot din sa kanyang karsunsilyo.

Hoy PO1! Bago ka uminom, siguraduhin mong kaya nang iyong katawan. Dahil ang alak sa tiyan inilalagay, hindi sa utak mong walang laman!

Kilos pronto kaming nakipag-ugnayan kay Deputy Director P/Supt. Bartolome Bustamante tungkol sa reklamo. Tugon ng Director, nakalulungkot ang mga pang­yayari na tulad nito. Pero dapat lang na maparusahan si PO1 Redimer Bersales sa ginawa niyang kataranta­duhan at sila na ang bahalang dumisiplina rito.

Susmaryosep! Ang mga pulis na tulad ni PO1 Redimer Bersales ang sumisira sa imahe ng PNP. Pero ngayong si General Oscar Albayalde na ang inyong hepe, hindi na uubra ‘yang mga ganyan n’yong pag-uugali. Habang kami naman sa Kilos Pronto, ang tutugis at magmamatyag sa mga kilos ninyo! Tingnan natin kung hanggang saan ang katapangan n’yo.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with