^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pinapatag ang bundok sa Boracay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pinapatag ang bundok sa Boracay

HINDI lamang karagatan sa Boracay ang sinisira kundi pati na rin mga bundok at gubat. Pinapatag na umano ang bundok sa Boracay para pagtayuan ng high-rise building. Minamadali umano ang pagko-construct para umabot sa pagbubukas ng Boracay sa Disyembre. Anim na buwang nakasara ang Boracay na nagsimula noong Abril 26.

Isinasailalim sa rehabilitasyon ang isla. Ginigiba na ang mga konkretong itinayo na malapit sa shoreline. Nabuking na ang mga malala­king PVC pipes na nakabaon sa buhangin na dinada­anan ng mga dumi patungo sa karagatan. Sari-sa­ring dumi ang iniluluwa sa karagatan ng Boracay dahilan para tawagin ito ni Duterte na “cesspool’’ o “poso negro”. Walang water waste treatment ang mga establishment kaya ang karagatan ang ginawa nilang poso negro.

Hindi magandang marinig na pati bundok at gubat ay sinisira para tayuan nang matayog na building. Ayon sa report, malaking kompanya umano ang nasa likod nang pagpatag sa mga bundok. Pati ang mga bahaging gubat sa Boracay ay binubuldoser para bigyang daan ang kons­truksiyon.

Tama lamang ang pagkilos ni DENR  Sec. Roy Cimatu, dahil ipinatigil niya ang lahat nang uri ng konstruksiyon sa Boracay. Kinumpirma naman ni Cimatu na ang mga bulubundukin at bahaging gubat ay pinapatag ng mga malalaking property owners at developers.

Grabe na ang pagkagahaman ng mga develo­pers na pati bundok at gubat ay gusto nang patagin para maitayo ang kanilang mga gusali. Na­saan naman ang konsensiya ng property owners na pati ang bundok at mga gubat ay wawasakin para sa malalaking building.

Ipakita ni Cimatu na hindi siya natatakot sa mga sumisira sa kapaligiran. Sampolan ang mga gahaman bago mahuli ang lahat. Sobra na ang ginawa nilang pagsira sa Boracay na ngayon pati ang pagwasak sa mga bundok at gubat ay sinisimulan na rin.

vuukle comment

BORACAY ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with