^

PSN Opinyon

Solons sabit sa electioneering?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG totoo ang alegasyon ni DILG Undersecretary Martin Diño na may isandaang Kinatawan ng Mababang Kapulungan ang dawit sa electioneering nitong naka­lipas­ na halalan, halos kalahati pala sa bilang ng mga mam­­babatas ay nagkasala ng isang seryosong paglabag sa batas ng halalan.

Ang problema, hindi pinangalanan ni Diño ang mga naturang mambabatas kaya lahat tuloy ng mga kasapi ng Kamara de Representante ay pinagdududahan na ng publiko. Masyadong sweeping ang alegasyon ni Diño at naniniwala akong hindi makatarungan ito sa mga ino­senteng Mambabatas.

Mahigit lang sa 200 ang mga kinatawan ng Mababang Kapulungan kaya kung kakasuhan pala at mapapatawan ng parusa ang lahat ng 100 ay madudungisan ang reputasyon ng buong Kamara de Representante.

Kaya tama ang hamon ng Akbayan Party-list kay Diño: “Pangalanan ang 100 Mambabatas.” Ngunit kung papa­ngalanan, dapat may matibay ding ebidensya.

Sa tingin ko, medyo excited lang si Diño sa ginawang paghahayag sa media ng mga ginagawa ng DILG para pangalagaan ang integridad ng election sa Barangay at Sangguniang Kabataan. Kaso nga lang, nakapagbitiw siya ng isang statement na sa tingin ko ay iresponsable.

Tama si Rep. Tom Villarin ng Akbayan Party-list sa pagsasabing naghain na lamang sana ang DILG ng ka­rampatang reklamo laban sa mga tinutukoy niyang Mam­babatas, imbes na ipahayag ito sa media nang wala namang tinutukoy na pangalan.

Talagang hindi dapat makialam ang mga opisyal ng pamahalaan sa eleksyong pambarangay dahil hindi ito dapat mabahiran ng politika. Pero masaklap isipin na laging nangyayari ang ganitong pagsuporta ng mga public officials, lalu na sa local na pamahalaan sa mga barangay officials. Napapakinabangan nga naman nila ang mga ito sa pangangalap ng boto sa panahon ng eleksyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with