^

PSN Opinyon

Impeachment lang dapat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANO pa ba ang pag-uusapan kundi ang matagumpay na pagtanggal ng administrasyon kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Walong mahistrado ang bumoto para tanggalin si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition, bagay na ayon sa marami ay hindi sang-ayon sa Konstitusyon. Ang tanging paraan para tanggalin sa tungkulin ang CJ ay impeachment, bagay na handang harapin ni Sereno, kung natuloy.

Hindi ako abogado kaya mahirap himayin ang nasa isipan ng walong mahistrado na bumoto para tanggalin si Sereno. Kung babasahin ang Konstitusyon, talagang nakasaad na impeachment lang ang paraan para matanggal ang CJ. Hindi naman maitago ng ilang mahistrado ang kanilang pagkadismaya sa desisyon ng walo. Nagpakamatay na raw nang walang dangal ang SC, ayon kay Associate Justice Caguioa. “Legal abomination” naman ang pahayag ni Associate Justice Leonen. Anim na mahistrado ang bumoto kontra sa ginawang pamamaraan ni Solicitor General Jose Calida, na ngayon ay isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Cabinet ni President Duterte. Kahit sino ay puwede na niyang tanggalin. Sino kaya ang isu­sunod? Sino ang susunod na tatanggalin na hindi “kaibigan” ng administrasyon?

Talagang pinanggigilan nila si Sereno. Talagang ginawa ang lahat para matanggal siya. Bakit kaya? May ginawa bang malaking kamalian, ayon sa batas? O dahil ba hindi “isa sa kanila”? Kung titingnan ang walong mahistrado na bumoto para tanggalin si Sereno, karamihan ay inilagay ni Duterte at dating President Arroyo, na ngayon ay kaalyado na ng administrasyon. Samantalang ang mga bumoto kon­tra sa petisyon ay hati kay Arroyo at dating President  Aquino. Pulitika ang dahilan kaya tinanggal si Sereno? Kayo ang humusga. 

Hindi rin nagustuhan ng mga senador, ang iba ay kaal­yado pa nga ng administrsayon, ang desisyon ng walo. Handa na nga sila para bigyan si Sereno ng patas na pagdinig, kung natuloy man ang impeachment, dahil impeachment lang daw ang paraan para matanggal ang punong mahistrado. Tama nga ang sabi nila. Hindi dahil mas maraming husgado ang bumoto para tanggalin si Sereno, hindi ibig sabihin ay tama ang kanilang desisyon. Mas marami lang. Kasaysayan na lang ang maghuhusga sa walo, habang ang kanilang desisyon ay magkakaroon ng epekto sa maraming bagay na hindi lahat ay maganda.

vuukle comment

MA. LOURDES SERENO

QUO WARRANTO PETITION

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with